CHAPTER 15

54 22 0
                                    

Tahimik ang paligid at tanging iyak lamang ng propesora ang naririnig. Narito parin kasi kami sa labas ng kanilang bahay, yakap-yakap ko parin ito at malakas ang kabog ng dibdib ko.

Lumayo ako ng kaunti nang naramdaman ko ang pagtulak nito sa dibdib ko. Napatingala siya sa akin at napalunok naman ako at hindi mawari ang kabang nararamdaman.

"I'm sorry, I didn't mean to ignore you."

"Huwag ka na humingi ng sorry, hindi ko naman kailangan." pagmamaldita nito.

Umayos na siya ng tayo at magkaharap lang kami at titig na titig sa isat isa. Should I asked her kung nagselos ito kanina dahil sa kausap ko? bakit ko naman gagawin, hindi ba? wala nga kaming relasyon para ganito ang maging reaksiyon ng isat isa.

"Are you still mad?" I asked her in a soft way.

Sumandal siya sa sasakyan ko at tumabi naman ako upang sumandal rin doon. Ngayon, nakaharap na kami sa kanilang bahay.

I heard her sighed, "Ang ganda pagmasdan ng buwan."

"Yeah," bulong ko pero ang tingin ko ay nasa kaniya habang siya ay nakatingala.

Halata sa mukha nito na umiyak dahil namumula parin pero kahit na ganoon ay nangingibabaw parin ang taglay niyang kagandahan.

Tumingala ako at dinama ang hangin na humahampas sa balat ko. Bumalik ang tingin ko sa kaniya.

Mas maganda siya sa buwan.

"Alam mo ba, buo na ang araw ko tuwing nakikita ang buwan sa kalangitan." she glanced at me and smiled a little.

"Buo na rin ang araw ko sa tuwing nakikita kita." I smiled her back

Inirapan lamang ako ng propesora at tumingala ulit. Galit pa yata ito dahil sa nangyari kanina.

"You're such a play girl, Samantha." naiiling nitong saad

Natawa ako ng bahagya, "Yes, before. But now? hindi na."

"I don't believe you."

"Maniwala ka sa'kin, hindi na ako katulad ng dati."

Umayos siya nang tayo at humarap na ito sa akin. Nasa akin na ang kaniyang buong atensyon kaya humarap na rin ako sa kaniya pero nakasandal parin sa aking sasakyan ang katawan ko.

"But who's that girl? I heard she's invited you to go at the bar and do that making out." she rolled her eyes

Nagpigil ako ng ngiti kaya napakagat ako sa ibabang labi ko. "Hindi naman ako pupunta."

"Hindi ako naniniwala, baka nga pumunta ka roon pagkauwi mo." halos pabulobg nitong wika

Napangiti na ako, iba na ’eh. Hindi na ito tunog propesora, tunog nagseselos na.

"I'm not going there, but let me stay here for a while."

"Kapag hindi ako pumayag na manatili ka muna dito, pupunta ka talaga?" tumaas ang kilay nito

Hindi ko na napigilan ang pangngiti ko. "Hindi ganoon ang ibig kong sabihin."

"Gano'n na rin yon!" inis niyang sagot

Tumalikod na siya sa akin at tumingala ulit. Nagtatampo na ang propesora. Sino ang mag aakala na ang seryosong propesora sa university namin ay nagtatampo sa harapan ko ngayon?

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Maging masaya ba dahil ganito ang pinapakita sa akin ng propesora o malulungkot dahil baka nag aassume lang ako?

Mahirap kasi ang mag isip na hindi naman pala totoo. Ewan ba, yung mixed signals na sinasabi ay parang nararanasan ko ngayon.

Kanina kasama niya ’yong kael, maayos naman sila na nag usap kanina tapos ngayon ay kasama ako nito at nagtatampo sa harapan ko.

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Where stories live. Discover now