CHAPTER 23

39 5 0
                                    

Titig na titig ako kay Professor Villanueva habang nasa stage ito. Kausap niya si ma'am kylie at nag aayos sila sa stage para sa variety show na gaganapin sa friday at naging busy talaga siya dahil marami siyang inaasikaso.

"Samantha Faith Gonzaga!"

Napatakip nalang ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan nang isigaw ni Isabella Kate ang pangalan ko. Lumingon ako sa kaniya at hindi lang siya mag isa, kasama nito si Yzza at Carla at natatawa rin dahil sa sigaw nito.

Tumingin ako sa banda ni professor Villanueva at nakatingin na nga ito sa mga pinsan ko, nang magtama ang tingin namin, inismiran lamang ako.

"What are you guys doing here?" inis na sabi ko sa kanila nang nasa harapan ko na sila.

Carla raised her eyebrows, "Excuse me? Kami nga dapat ang nagtatanong sa'yo niyan."

"Sino ba kasi ang papanoorin mo rito?" sabi naman ni Kate.

"Si professor Villanueva yata." Yzzadelle shrugged her shoulder.

"Bunganga mo Yzza, kapag yan narinig niya sinasabi ko sa'yo." pagbabanta ko rito.

Pumunta talaga ako rito dahil gusto kong makita ang propesora pero hindi niya alam, kahit na kakikita lang namin kaninang umaga, sakto dahil nandito ang mga pinsan ko, sila nalang ang irarason ko sa kaniya mamaya kung bakit ako narito.

"Si professor villanueva nga?!"

"Sige isigaw mo pa Kate." inis na baling ko sa kaniya.

Naupo si Kate sa tabi ko at naupo naman si Carla sa tabi ko. Ngayon na lang din kami ulit nagkita-kita kahit iisa lang naman ang university na pinapasukan namin at isa pa hindi na nagplaplano sila dad about family bonding.

"Saan ka pupunta?" tanong ko kay Yzza nang makitang aalis ito sa harapan namin.

"Nandiyan si Astraea," bulong ni Carla sa akin.

Ngumiti lang si Yzza sa harapan namin at tinuro ang babae na nakikipag usap kay ma'am Kylie na ngayon. Nasabi naman na nila ang pangalan na Astraea noong kumain kami sa labas noong midterm exam pero curious akong makilala siya.

Tumayo rin ako at susundan sana si Yzza pero hinila ako paupo mi Kate.

"Nag aaway sila, susuyuin yata ni Yzza." natatawang wika ni Kate.

"Sila na ba? No label enjoyer yan si Yzza. Ewan ko ba sa pinsan nating yan." saad naman ni Carla.

I chuckled, tumingin ako sa banda ni professor Villanueva at nakitang nahihirapan siyang ayusin ang mga balloons dahil hindi niya kayang abutin.

Tumayo naman ako at hindi ko na pinansin ang dalawa na nag uusap. Naglakad ako papuntang stage at maraming nakapansin sa akin pero ang propesora ay hindi niya namalayan na nasa likod na niya ako.

"Let me fix this, professor." mahinang sabi ko habang hawak-hawak na ang mga ballons na hirap niyang ayusin.

Napatigil naman ito at dahan-dahang lumingon, sobrang lapit lang namin sa isat isa at hindi ko na naman makontrol ang tibok ng puso ko. Malalakas na naman ang kabog nito dahil kay propesora.

"Don't you have a class?" she asked me, stammering.

I looked around and, noticing that everyone was busy with their own tasks, kaya mabilis ko siyang ginawaran ng isang halik sa kaniyang labi, which made her stop and blush.

Hahalikan ko pa sana siya ulit pero umalis na ito sa harapan ko. I laughed at what she did before fixing the balloon she had trouble with. When I finished, I looked at her, and she's just looking at me seriously withe her arms over her chest.

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Where stories live. Discover now