CHAPTER 18

39 18 1
                                    

Nailabas ko naman ang mga kaibigan ko at ngayon ay nasa likod na sila ng sasakyan ko. Ang propesora sa loob ay mukhang nag eenjoy naman. Nag text na rin ako sa kaniya na mauuna na akong umuwi since hindi rin naman siya pumayag na sa kanila ako matutulog ngayon.

May nagbabantay naman na sa gate nila kaya wala na rin akong dapat ikatakot pa. Alam kong hindi rin naman siya hahayaan ng daddy niya na may mangyaring masama sa kaniya.

Pagkahatid ko sa dalawa ay dumiretso na lamang ako sa aming bahay at nadatnan ko naman si daddy sa sofa na nagbabasa ng mga papeles.

He glanced at me, "Where have you been, Samantha?"

"Sa bar lang dad, I'm glad you're here."

Sinenyas niyang lumapit ako sa kaniya na ginawa ko naman. Umupo ako sa kabilang sofa at sa kabila naman siya.

Pinunasan muna niya ang kaniyang salamin at tumingin sa akin ng seryoso.

"Ano ang pag uusapan dad, is this important?"

Tumikhim siya, "Yes and I want you to use your brain."

"Tungkol saan ba ang pag uusapan dad? si mommy? kuya? our family?" walang preno kong aniya sa kaniya

"Break up with that professor, I don't want you to be in danger." Malamig niyang wika.

Natawa naman ako dahil hindi ako makapaniwala na ito ang pag uusapan namin. Akala ko ba ay tanggap na niya?

"Hindi ako malalagay sa sitwasyon na mamamatay ako dad, wag kang mag alala sa'kin."

"You're really a stubborn. Hindi mo talaga ginagamit ang utak mo. Hindi biro ang pinasok mo, Samantha. Her family is involved in politics at isang propesora ’yon and you're a student. Mali yon sa paningin ng iba!"

"Please dad, pabayaan mo na ako sa mga desisyon ko. Isa pa ay wala akong pakielam kung ano ba ang tingin ng ibang tao at mas gustuhin kong manatili sa kaniya lalong-lalo na at kailangan nito ng protekta."

Napahilamos si dad sa mukha niya, problemadong-problemado. Hindi ko nga alam kung bakit biglaan siyang ganito, maayos naman ang pagtanggap niya samin noong kasama ko ang propesora.

Kaya bakit siya ganito ngayon?

"You're not a super hero to save her, Samantha."

"Dad, please." Ubos na ang pasensya ko sa pakikinig sa kaniya.

"Kahit ngayong araw lang Samantha, gumawa ka naman ng ikakatuwa ko. Ginagawa ko naman ’to para sayo pero talagang hindi mo ginagamit ang utak mo."

"Hindi ako sunud-sunuran mo dad, tandaan mo, hindi na ako yung bata noon na puwede mong utusan."

Sa iritasyon ko ay tumayo na ako at nakita ko nalang si dad na masama na ang tingin sa'kin. Tumayo rin siya at hinarap ako.

"Sana magawa mo ang inuutos ko sayo. Ginagawa ko ’to para sa'yo, Samantha Faith."

I sighed deeply, umalis na siya sa harapan ko. Narinig ko na lamang ang sasakyan niyang umalis na. Hiindi ko rin maintindihan si daddy, bigla-bigla nalang nagkakaganito.

Naiinis ako sa kaniya but at the same time, iniisip ko rin ang mga sinabi nito. Yes, I'm not a super hero to save Professor Villanueva in danger pero ganoon na lang ba kababa ang tingin niya sa akin?

Napailing ako at sinubukang huwag magpaapekto sa sinabi niya. Nagkaroon ako ng lakas ng loob upang patunayan ko ang sarili ko kay dad.

I'm doing this to professor Villanueva. I was just protecting her at walang mali roon. Wala kaming totoong relasyon pero pakiramdam ko ay isa na rin akong espesyal na tao para sa kaniya.

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Where stories live. Discover now