Lumipas ang mga araw na hindi ko sinunod ang sinabi ng propesora na iwasan ko ito. Hindi ko 'yon magagawa lalo at napamahal na ito sa akin. Kung ang kaligtasan ko lamang ang iniisip nito ay mas lalong hindi ko susundin ang sinabi niyang iwasan ko.
Narito ako ngayon sa isang field upang bisitahin si Carla. Mahilig kasi ito sa sports and as usual, she's always here. Palagi namang nandito 'to kapag hindi nahahanap.
Nakatukod lamang ang mga kamay ko sa hita ko habang seryosong pinapanood siya. Sa hindi kalayuan ay nakita ko pa si Professor Villanueva na kausap si Professor Lopez. Hindi ko nga alam kung bakit nandito siya, nakita ko lang siya kanina sa library at kausap si Ma'am Kylie na kaibigan niya.
"Bakit ka nandito? hindi ka ba sasali sa variety show na gaganapin na next month?" tanong ni Carla habang nagpupunas ito ng pawis.
Napangiwi pa ako nang idinikit ang katawan nito sa akin.
"Ano ba yan, ang baho mo!" reklamo ko dito.
Tumawa siya at pinakyuhan lamang ako, "Lol, mabango 'to kahit pawis na pawis."
"Hindi ako sumali, manonood nalang ako." sabi ko sa tanong nito kanina.
"Dapat sumali ka, sumali rin nga yata si Yzza." tumawa pa ito tsaka uminom ng tubig.
Napatingin kami parehas sa propesora na naglalakad na palapit sa amin. Wala na ang kausap nitong lalaki.
Kumunot ang noo ni Carla at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa amin ng propesora.
"Ms Gonzaga, follow me." sabi nito nang nakarating na sa harap namin.
I sighed and smirked to Carla who was already have that meaningful look.
Tumayo ako at sumunod sa propesora, tumigil lang kami nang makalayo na kami sa puwesto ni Carla. She stared at me seriously and I was just looking at her in a calm way.
"Ilang araw kitang sinabihan na sumali ka sa roleplaying na 'yon. Bakit hindi ka sumali?" paunang tanong niya.
I sighed deeply and just shrugged my shoulder. She crossed her arms over her chest and wait for me to answer.
"It's not my thing, kaya naman na nila 'yon, beside, hindi lang naman ako mag isa ang hindi sumali."
"But Samantha, may grades din 'yon." sabi pa niya
Napailing nalang ako at tumingin na sa ibang direction pero sa pagtingin kong 'yon sa likod niya ay may nakita akong taong nagmamanman. Sigurado akong si Professor Villanueva na naman ang sadya niya dahil dito lamang nakatingin. Mabuti at hindi niya ramdam na nakatingin ako sa kaniya.
"Ms Gonzaga, I'm talking to you." maotoridad na aniya
Binigay ko sa kaniya ang buong atensyon ko, "Hindi ko kayang pilitin ang sarili ko na sumali sa gano'n, Professor."
Ang sunod kong ginawa ay hinawakan ko ang kamay niya, she complain about it pero hindi ko hinayaang tanggalin nito ang kaniyang kamay sa pagkakahawak ko.
"Where's your car?" tanong ko sa kaniya nang makarating kami sa parking lot.
Inikot ko pa ang paningin ko sa buong parking lot pero ang lalaki kanina na nagmamanman ay napansin ko na naman.
"What's going on? I have class, Samantha." sabi ng propesora.
Lumapit ako sa kaniya para bumulong, napaiwas pa ito dahil akala niya ay may gagawin ako sa kaniya.
"May nagmamasid sa'yo."
Pagkasabi ko non ay tumingala siya sa akin at nagpakita naman ako ng seryosong mukha para seryosohin niya ito. Kinuha niya rin ang kaniyang susi sa kaniyang bag at binigay sa akin.
YOU ARE READING
Protecting My Professor (Fairfield University -1)
RomanceProfessor Cassandra Stacey Villanueva is a renowned academic who is constantly pursued by misfortune. Despite being intelligent and skilled in her field, Cassandra always seems to be in the wrong place at the wrong time, leading her into various dan...