CHAPTER 13

62 25 0
                                    

"Good luck." I mouthed to Yana.

Malayo kasi ang bawat upuan namin ngayon. Today is our midterm exam. Sa mga nakaraang araw ay nag aral talaga ako but my routine with professor Villanueva still the same.

Palagi ko parin itong sinusundo at hinahatid pauwi. Ganoon naman kami palagi, minsan ay may mga hiyaan at awkward moments talaga lalo na kapag ang mga pinag uusapan namin ay tungkol sa halikan na hindi big deal sa kaniya.

"You have one hour to take the exam." Professor Villanueva announced.

Umupo na ito sa upuan niya at nagsimulang magtipa sa kaniyang laptop.

Nakasuot siya ng black skirt at white long sleeve. Itong mga nagdaang araw ay busy rin siya kaya hindi na ako pumupunta sa kaniyang office para guluhin.

May mga napapansin parin akong nakasunod sa kaniya at mabuti nalang dahil walang nagtangkang lumapit sa kaniya para saktan.

I did all my best, kung hindi man ako papasa, hindi ko na alam. Hindi ko na alam kung ano pang ipagmamalaki ko kay dad.

Ako lang naman ang Gonzaga na hindi nag take nang kursong flight attendant. Ako lang ang naiiba and I think that's okay. Ayoko namang ipilit ang hindi ko gusto.

Kung ang iba kong pinsan ay naging sunud-sunuran sila sa kanilang ama, ibahin nila ako.

"How's your exam, Samantha?"

Umupo ako sa harapan ni Yzza. Nandito kami sa labas ng university, it was already a lunch break pero ang mga pinsan ko ay nagdesisyon na rito kami sa labas kakain.

"Ayos lang, nakakapagod." sagot ko sa kaniyang tanong.

Napatingin ako sa kaniyang kamay nang may nakitang pasa. Ngayon ko lang kasi ulit ito nakita. Hindi ko pa nga ito naitatanong kung saan ito nagpunta noong hindi raw siya pumasok sa halos isang week.

Dumating na rin si Carla at Kate, and there's one girl. Sa likod ni Kate ay may nakasunod sa kaniyang babae. Maganda ito at halatang inaalagaan ng maayos ang katawan.

"Nasaan si Astraea?" tumingin si Carla kay Yzza.

Lito ako dahil wala na akong alam sa kanila. Ang babaeng kasama ni Kate ay ngumiti ng tipid sa akin.

"Jade, she's my cousin. And Sam, this is jade. My girlfriend."

"Hi Sam." ngumiti si Jade sa akin kaya napangiti rin ako pabalik.

"Busy, may exam pa." Sagot naman ni Yzza sa tanong ni Carla.

Nagtagal ang titig ko kay Jade, she looks familiar. Umiling nalang ako trying to remove her from my mind.

Kumain kaming lahat at dahil sila ang kasama ko, dito sa table namin ang pinakamaingay. Mabait naman si Jade and she was caring, nakikita ko ang galawan niya with my cousin.

"May single dito!" Carla shouted at them.

Pinunasan kasi ni jade ang labi ni Kate. Napailing nalang ako at nag iwas ng tingin.

Napatingin ako sa labas, nakikita ko ang mga estudyanteng naglalakad, ang iba ay busy sa libro na binabasa. Nakakatuwa silang panoorin.

"Mauna na ako, malapit na start ng exam ko." Paalam ni Yzza.

Tumayo na rin ako, "Ako rin."

"Hoy huwag niyo akong iwanan. Ayokong maging third wheel dito ’no."

Nagtawanan kaming lahat dahil sa sinabi ni Carla.

"Ikaw na bahala sa pinsan ko."

Jade nodded, "Good luck sa exam niyo."

Pagkaalis namin ay sinabayan ko sa paglalakad si Yzza. Nauna na si Carla dahil nakita nito ang mga kaibigan niya kaya doon na sumama.

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Where stories live. Discover now