"Hindi ako nagagandahan sa boses ko." sagot ko sa kaniyang compliment. But deep inside, her compliment make me smile.
"Trust me, your voice is really good." binuksan niya ang pintuan tsaka ito lumabas, sumunod naman ako.
Pinantayan ko siya sa paglalakad, "Kantahan ulit kita sa susunod."
"Okay, that a promise?"
I nodded, "Sure."
Napatitig ako sa kaniyang mukha at may napansin ako.
"Are you blushing?" I asked her
Lumapad ang aking ngiti lalo na nang umiwas siya ng tingin sa akin. Natawa pa ako ng bahagya ng sinamaan ako ng tingin bago iniba ang tingin sa ibang direksyon.
Napailing ako at tumigil sa paglalakad. Nandito kami sa hagdan, at dahil tumigil ako ay tumigil rin ito upang balingan ako ng masamang tingin.
"I'm not blushing okay? This is just a blush on."
"Really?" I teased her.
"Yeah," nahihiya siyang nag iwas ng tingin.
Napailing ako at natawa lalo. Kinikilig ako, baka nga ako pa itong nagblulush. Grabe naman kasi, bakit kasi ang ganda ng propesorang ito?
Hulog na hulog na nga ako sa kaniya. Hindi ko nga alam bakit kami napunta sa ganito.
Noong una lang naman ay wala akong pake sa kaniya pero noong araw na hinalikan ako ay doon na ako nagkaroon ng pake sa kaniya hanggang sa nahuhulog na ako, pero ngayon ay hulog na hulog na talaga ang puso ko sa kaniya.
She knows how to make me smile. Hindi naman ako ganito dati, seryoso ako sa lahat ng bagay kahit na I used to play with girls back then. Pero ngayon, ang daming nagbago.
"Mahina na ang ulan, aalis ka na ba?"
Tumango ako, "Thank you for the coffee."
She bit her lower lip and nodded. Ang dimple niya ay nagpapakita na naman. Lagi naman lumalabas ang dimple niya na mas lalong nagpapaganda sa kaniya.
"Drive safely." She muttered.
"Are you concern about me?"
"Just go inside to your car. Ang dami mong sinasabi." She rolled her eyes.
"Grabe ka talaga sa'kin."
"What? I didn't do anything."
I laughed, "Alright. Bye professor, good night."
Natagpuan ko ang aking sarili na nakangiti dito sa higaan ko. Kinuha ko ang aking cellphone at napunta sa contacts. Matagal kong tinitigan ang pangalan niya roon.
Itetext ko ba? tatawagan? pero para saan diba?
Should I call her para sabihing ligtas akong nakauwi? bahala na nga!
I texted her a message. Sinabi ko na nakauwi na ako. Ilang delete pa nga ang nagawa ko sa typing board dahil hindi ko alam ang tamang sasabihin.
I texted her, “Nakauwi ako ng ligtas."
Ilang minuto akong naghintay at napatayo talaga ako nang tumunog ito. Pigil ang ngiti ko nang buksan ang kaniyang mensahe.
Cassandra: That's good.
Wow, yan lang?
Nagtext ako ulit, ewan ba. Gusto ko siyang kausapin through chat.
Samantha: Matutulog ka na ba, professor?
Cassandra: Why are you asking? and please stop texting me. I'm busy, don't disturb me.
Samantha: Sungit mo naman. Anyway, magpapahatid ka ba? puwede kitang sunduin.
YOU ARE READING
Protecting My Professor (Fairfield University -1)
RomanceProfessor Cassandra Stacey Villanueva is a renowned academic who is constantly pursued by misfortune. Despite being intelligent and skilled in her field, Cassandra always seems to be in the wrong place at the wrong time, leading her into various dan...