CHAPTER 25

41 5 1
                                    

A weeks ago

Tanaw ko ang mga pinsan ko na nag iinuman dito sa balcony ng bahay. Today is my brother birthday and he's here, hindi siya umuwi that's why, everyone was surprised because of it.

Kanina pa ako rito at malalim ang iniisip. Ang propesora at ako ay maganda ang relasyon, hindi ko hinahayaan na mag isa siyang umuuwi at mag isang pumapasok sa university. I'm always by her side kahit na alam ko naman na nitong mga nakaraang araw lang ay walang nagtangkang lumapit sa kaniya.

At kaya malalim ang iniisip ko dahil umurong ang tatay nito na lumaban. And I know kung bakit niya ginawa ’yon. Maybe because he was so scared and think of everyone's safety dahil nito lang din ay may nangyari sa parents niya at mga kaano-ano nito..... and so far walang nangyaring masama kay professor.

Nang mapanood ko ang news ay sinadya niya talagang umurong nalang kaysa tumuloy siya sa laban. May kapatid siya na mga kasama sa politika at ang sabi nito sa news ay susuportahan nalang niya ang mga ’yon at tutulong nalang sa mga taong nangangailangan.

Isang gumugulo rin sa utak ko ay si dad... I heard him talking to someone and they are laughing at rinig ko ang pangalang pinag uusapan nila.

I sighed and sipped on my wine bago naisipang bumaba na rin. I was thinking na aalis ako rito after the party. I want to see my professor tonight.

"Saan ka galing? Enjoy ka naman!" salubong sa akin ng isa kong lalaking pinsan.

Kasama nila si kuya sa table na yon kaya ngumiti lang ako ng tipid sa kanila bago dumiretso sa mga close kong pinsan.

"Tangina nito, birthday ng kuya niya pero nakabusangot." sabi ni Carla at pinatong pa ang kamay niya sa balikat ko.

Tumawa si Yzza na inirapan ko na lamang tsaka lumagok lang ulit at walang pasabing umalis ako roon, mabuti nalang at hindi sila nag usisa pa.

____

Pinapasok agad ako ng mga security guard sa bahay ng propesora. My professor is busy, marami siyang pinagkakaabalahan but she's always have a time when it comes to me.

Napatigil ako ng may marinig na boses ng batang babae and if I'm not mistaken, it was Cassy. Her sister. Mabuti at narito na ulit ang kapatid niya, hindi siya mag isa sa tuwing wala ako rito.

"Good evening, Professor." bati ko agad nang makita siyang nagluluto sa kanilang kitchen. Si Cassy naman ay nakaupo sa lamesa at naghihintay ito ng foods pero nang makita ako ay sobrang lapad na ng kaniyang ngiti.

"Hello ate Samantha! where's Shyra po?"

Lumapit naman ako at hinalikan ito sa pisngi and I suddenly miss my sister.

"She's not here baby, but don't worry, you will see her again sooner, okay?"

"Okay po. Anyway po, hindi marunong magluto si ate . Kanina pa po siya nagluluto!"

"Cassy!" saway ng propesora sa kaniya.

Natawa ako at hinalikan sa pisngi ang propesora bago binigay sa kaniya ang isang bouquet ng sunflower.

"Ano ba niluluto mo?"

"Why are you here ba?" pagsusungit nito at tumabi para makita ko ang niluluto niya.

Nagluluto siya ng adobong manok and it seems like may kulang.

"Ano nilagay mo rito?" tanong ko na natatawa dahil sa masungit niyang itsura ngayon.

"Don't bash me nga. I already watched a tutorial kaya!"

I chuckles, "Nanood ka nga pero hindi mo naman nilagyan ng oyster sauce."

Protecting My Professor (Fairfield University -1)Where stories live. Discover now