Chapter 06

13 0 0
                                    

Palengke

"Maam... kagabi pa po kayo hinahanap ni Donya Pepil, nagagalit sa inyo..." naeestress na si Jam dahil sa akin, ngumiti lamang ako at pumunta kay Abuela. Nakita kong nakatingin ito sa sala.

Nagmano ako pero iniwas niya ang kaniyang kamay.

"Balita ko meron ka na namang natitipuhan diyan?" naglalaro ang ngiti nito at tumataas ang kilay niya. "Anong ginagawa mo kagabi at hindi ka man lang umuwi?'

"Uhm, nakitulog lang ako..."

"Merong kama rito, mas maganda pa... lalaki ba ang dahilan na naman niyan?" tanong ni Abuela sa akin. Natikom ang aking labi dahil doon at mukhang nakuha niya dahil sa pagkagulat ko. "Hindi mo naiintindihan, gumagaya ka sa ina mong malandi... anong magagawa niyan ha?"

Nag-iwas ako ng tingin.

"Maraming nagsasabi sa akin na iyong anak ni Lovie ang tipo mo? Maganda ka, pero tanga ka pumili ng lalaki. Mapapakain ka ba niyan kung sakali? Nganga."

"Hindi naman ako magpapabuntis agad."

"At talagang sumasagot kang bastos ka, hindi mo alam kung gaano ako naghirap para palakihin ang ama mo at mapanganak ka, at ngayon sinasagot sagot mo lang ako?" naitikom ko ang labi. "Kung ano man ang nararamdaman mo riyan, itigil mo na. Hindi ka pwedeng magkaroon ng nobyo, mayroon na kaming naayos para ron."

Nanginig ang aking labi.

"Hindi ako magpapakasal sa iba, Abuela..."

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo!" mas lalong tumaas ang kaniyang boses. I want to go home, I want to go manila again, pero mas gusto ko na rito kasi nandito si Jethro. "Walang ibang maidudulot sa iyo ang lalaking 'yon, jusko. Gwapo nga iyon wala namang pera, saan ka kukuha ng pambuhay ng sarili niyo! Hindi niya nga kayang magkaroon ng sapat ng pera."

Hindi ako makapagsalita, hindi ko pa kayang sabihin kay Abuela lahat, at alam ko naman kung sakali man na maging kami ni Jeth, hindi niya naman agad ako bubuntisin.

"Magpalit ka na at mukhang nasayahan ka pa yata roon sa lalaking hampaslupa na iyon... sa susunod na mabalitaan ko na lumalapit lapit ka ron, hindi ko iyon palalampasin." Kaagad akong natakot.

"A-abuela--"

"Huwag mo akong matawag tawag diyan, umalis ka na rito. Iyon ang pag-uusap natin, at sa oras na malaman ko ulit iyan hindi ako santa Zane. Kayang kaya ko silang ipatapon dito sa nueva ecija."

Nagkaroon ako ng gulat dahil doon, hanggang ngayon hindi tanggap ni Abuela si Mommy at sa akin binubunton ang galit niya, kahit na sabihin kong ayaw ko rito at sana hindi na lang ako pinag-aral nila Mama.

Nakilala ko naman sila Aidel kaya masaya naman ako.

"Anong sinabi ni Senyora sa iyo?" tanong ni Jam sa akin at umiling na lamang ako. Malungkot akong bumalik sa may kwarto at sinundan ako ni Jamille ng hapunan.

"Pakibaba na lang niyan sa lamesa, matutulog na rin naman ako."

"Hindi ka kakain man lang?" nag-aalalang sabi ni Jam sa akin at hindi ako makasagot. Lumapit ito sa akin at hinakawakan ang aking kamay. "Hindi mo ba nabalitaan na aalis si Senyora sa isang taon, wala siyang ibinalita sa iyo?"

"Panigurado isasama na naman ako ron, ayoko kasama si Abuela." walang buhay na sabi ko. Tumingin ako kay Jamille at bumuntong hininga ito.

"Ganoon talaga si Senyora, hindi matatahimik 'yon kapag sinuway mo ang utos non. Kung ganon, nagkakamabutihan na ba kayo ng lalaking kasama mo pauwi? Si Jethro iyon, kilala ko..." sagot lamang niya.

"Hindi naman, hinatid niya lang ako kasi may stalker daw ako. Hindi pa namin alam kung sino..."

"Ang ganda ganda mo kasi Maam Zane, lahat yata ng trabahador dito gustong gusto ka, lalo na't hindi ka nalalayo sa kutis ng mga Selguero, minana mo rin ang ganda ng mommy mo..."

Young Love #2: Not InvalidWhere stories live. Discover now