Ang utos
"Abuela, palabasin niyo 'ko!" sigaw ko habang pinapalo ang pinto. Wala akong kamalay malay na kayang gawin ni Abuela 'to! Kaninang umaga lang nila ito ginawa at pagkagising ko kandado na rin lahat.
"Jam, Manong Jude!" nilakasan ko anga pagkalabog sa pinto ngunit hindi na nila ako pinakikinggan. Naiiyak ako sa hindi malamang dahilan, wala pa nga akong lakas para sa matandang 'yon nakisabay na naman ang kademonyohan niya.
"You can't do this to me!" sigaw ko. "Kahit hindi mo ako palabasin dito ng buong magdamag hindi ko susundin lahat ng gusto mo, fuck this life!" sigaw ko ngunit tahimik pa rin sila. Mas lalong nanaig ang kasamaan sa loob ko.
"Maam Zane, inutos ito ni Senyora, pasensya na..." sagot ni Jam sa akin habang kalabog ako nang kalabog doon, halos mamula na ang aking kamay at palad dahil sa pagsipa ko para lang makawala.
"I am hungry, Jam. Hindi niyo ba ako palalabasin?"
"Maam..." buong pag-aalinlangan niyang sambit. "Unang utos po ito ni Senyora na kapag pumayag kang makipagkita kay Warren Abenojar pawawalan ko ho kayo..."
"Okay fine!" pagsuko ko.
"Maam..."
"Sabi ko payag na ako, kapag hindi mo binuksan itong pinto irereport kita!" sigaw ko na. Nagmamadali niyang binuksan 'yon at kaagad kong binukas. Hindi ko na alam kung anong iniisip niya, nasisiraan na yata ng ulo ang matandang 'yon.
"Who's Warren?" salubong ko kay Abuela.
Tumaas naman ang drawing na kilay niya at pinagkrus ang kaniyang braso habang nakatingin sa akin.
"Ang bilis mo naman yatang pumayag? Duda ako riyan."
"Abuela, please stop this nonsense! Idadamay mo pa talaga ang pamilya nila Jethro at para saan? Para lumayo ako sa kaniya! Walang kokontrol ng buhay ko at lalong ikaw! Hindi mo ako kokontrolin..."
"Sure, Zane. With just one command, my men could take care of their family..."
"You can't do that, that's illegal!" I protested.
"Well, our family has the power. We're rich, we can buy justice..." she said with a smug smile.
"I'm warning you now, if I catch you together again, I'll kill his mother. You don't want that to happen, do you?!"
I was speechless, my heart pounding in my chest. The weight of her threat left me feeling both scared and trapped. Her words echoed in my mind, and I could see the cold determination in her eyes. She wasn't joking, and realizing what she could do left me frozen with fear. Alam kong hindi nagbibiro si Abuela, isang tapon lang 'yan ng milyon agad na tatango ang mauutusan niya.
Napalunok ako.
"At susundin mo lang ako... hindi pwedeng hindi ka susunod sa akin..." sabay ngiti sa akin. Napalitan ng pag-aalala ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maalis sa isip ang mga salitang sinabi sa akin ni Abuela.
Isang linggo akong hindi pinapasok ni Abuela, isang linggo ding wala akong cellphone dahil kinuha niya. Wala man lang akong koneksyon sa mga kaibigan ko pati sa mga pinsan ko sa manila.
Tinotoo rin niya na hindi ako makakalusot sa kaniya, nakahiga akong nakatulala.
"Maam, hindi ho kayo kakain?"
"Anong oras ang alis, Jamille?" tanong ko sa kaniya at inignora ang tanong niya sa akin na nakakin na ako, malamang hindi. Ayokong kumain, wala akong gana. MAy eyebags na rin ako na palaging sinasabi sa akin ni Jamille.
Pinababayaan ko na ang sarili ko.
"Umalis lang saglit si Senyora at kinausap si Mr. Abenojar na makikipagkita ka sa kaniya." Napapikit ako nang mariin, halos tahip ang aking puso nang malaman na wala pa akong koneksyon kay Jethro simula nang nagdaang linggo, I missed him so much.
YOU ARE READING
Young Love #2: Not Invalid
RomanceZane Beatrix Selguero is often in trouble, always picking fights and flirting with anyone, she is a playgirl and everyone knows that. She's disliked at the university, so her Mommy transferred for her to behave. When she moved to Nueva Ecija, everyt...