Kwarto
"Kung ganoon naghapunan na ba kayo?" tanong ni Tita Lovie sa amin. Inihanda ko na rin ang mga gagamitin kong damit, nakasando lang kasi ako at shorts, litaw iyong balikat ko e tyaka minsan may pagkakataon, lumilitaw din ang dibdib ko, ayoko namang mag-isip si Jethro na nagpapaboso ako sa kaniya.
"Tita, hindi pa po... si Zane tita okay na 'yan, nakita niya na ang crush niya e." Suhol ni Aidel sa akin at tumingin sa akin si Tita Lovie.
"Naku, huwag po kayong magpauto diyan..." nagpiece sign ako sa kaniya at umiling iling na lang ito.
"Kung ganoon gusto mo ang anak ko?" tanong ni Tita Lovie sa akin at ngumuso lamang ako, namumula ang aking pisngi.
"H-ha? H-hindi po..."
"Nakikita ko sa mga mata mo, namumula rin ang pisngi mo..." sagot pa niya at parang tinutukso ako sa kaniyang anak. "Alam mo ba, mas gusto ko pang ikaw ang makatuluyan ng anak ko kaysa doon sa isang kaibigan niyang babae, panay ang sunod sa kaniya..."
"Ha, talaga po? Boto po kayo sa akin, mama?" I teased. Napapailing na lamang ito.
"Oh siye, ihahatid ko na lang ito kay Jeth at mukhang nag-aaral iyon, future doc namin iyan..." matamis itong ngumiti.
Ah, future doctor ko.
"Uy, nag-iimagine ka hano?" tukso ni Aidel sa akin at inirapan ko lang ito. "Tita Lovie, kasama rin po ba siya sa future doctor niyo?" natatawang tukso ni Aidel.
"Aidel, tumahimik ka nga. 'Di ka na nahiya ah."
"Ikaw rin naman, sabi mo pa nga sa kaniya mama..."
"Oh, ano naman ngayon?" sabay taas ng kilay. Hindi ko na lang siya pinansin at pinaghanda kami ng tinola. Namiss ko tuloy si mama kapag nagluluto siya ng sinigang, ewan ko ba. Naalala ko si Mama sa kaniya, parang pinagbiyak silang bunga.
"Alam niyo po bang pinagluluto rin po ako ni Mama ng sinigang?" manghang tanong ko.
"Saan nag-eestay ang magulang mo kung ganoon? Hindi mo sila kasama?"
"Uhm, hindi po kasi... pinalipat po nila ako rito para turuan ng leksyon at magtanda, nakabantay sa akin si Abuela Pepil palagi." Tumatango tango ito sa akin. Humigop ako ng sabaw ng tinola, may hinihintay ako at alam ko rin kung sino iyon.
"Kung ganoon, hindi na po bababa si Jethro rito? Tutok po talaga siya mag-aral? Matalino po?" sunod sunod na tanong ko.
"Seryoso 'yan sa pag-aaral, wala pa akong nakikitang pinakilala niya sa akin at hindi naman ako aayaw kung sino man 'yon basta mahal niya lang, hindi ako ang magulang na hindi ko gugustuhin na maghiwalay sila kung hindi ko gusto, kasi hindi sa akin ang desisyon. Pero kahit minsan talaga nakakulong lang siya minsan lalabas sila kasama ang mga kaibigan niya kapag may mga project silang kailangang tapusin pero alam kong hanggang doon na lang 'yon."
Grabe ang sipag niya.
"Napatalino nang batang iyan, hindi lang 'yan matalino masipag at maalaga rin. Hindi ko na kailangang iutos dahil nagawa niya na, minsan naman kapag walang gagawin tutulong siya sa palengke para magbuhat ng isda."
"Ang sipag niya po pala..." sabay ngiti.
"Oo, masipag na, mabait at matalino pa... kaya nga lang ang kaso... mahirap kami."
"Ha, wala naman pong connect iyon ah?"
"Hija, hindi namin kayang bilhin lahat ng pangangailangan namin, kaya si Jethro minsan kapag nangangailangan, nagbubuhat ng isang baldeng isda iyan para naman may pera siya..." sagot niya na lang. "Iyan lang ang kahinaan namin, ang pera."
YOU ARE READING
Young Love #2: Not Invalid
Storie d'amoreZane Beatrix Selguero is often in trouble, always picking fights and flirting with anyone, she is a playgirl and everyone knows that. She's disliked at the university, so her Mommy transferred for her to behave. When she moved to Nueva Ecija, everyt...