Chapter 04

14 0 0
                                    

Swimming

"Hoy!" sigaw ko habang nakikipaghabulan kila Felly. Walang masyadong tao sa malasin, at mas maganda naman 'yon. Mas marami kasi mas madumi, kaya ngayon malinis pa ang malasin ngayon.

Ngayon lang din ako nakapunta rito, and masasabi kong mas malinis ito kumpara sa swimming pool na nandon sa Manila. Private naman pero maselan kasi talaga ako lalo na kapag nasa sp.

Medyo maliit ang damit ko, bra na nga yata ito at sinamahan mo pa ng maikling shorts. Si Aidel naman ay nakabikini. So kung meron? Wala naman kaming pakialam.

"Felly, come here!" sigaw ko. Ngumiti si Felly at naghubad ng damit, may kalalakihang dumating sa banda namin. Nagulat kami nang may makitang pamilyar, tumingin sila sa amin at nakita ko si Jeth.

"Kuya..." tawag ni Felly rito.

"Bakit kayo nandito?"

"Sa inyo ba ito? Hindi naman 'di ba?" nakataas ang aking kilay na nakatingin sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin.

"Tingnan mo nga 'yang suot mo, Zane. Kulang na lang maghubad ka na rito..." singit naman ni Bria.

"Oh, anong pakialam mo sa pananamit ko?" nakataas na kilay ko. "Wala kang magagawa, natatakot ka bang akitin ko si Jethro? Matakot ka na kung ganoon..." walang kwentang sagot ko.

"Natatakot si Bria kasi magaganda kami..." singit naman ni Aidel at tumingin si Theo sa kaniya at sumama ang tingin. "Puro peklat kasi sa hita kaya hindi makasuot ng bikini e," habol pa nito. Si Felly naman ay nakikinood lang. Umahon ako at sumunod ang tingin nila sa akin.

"Hi, baby Jeth. Matutulog kami sa bahay niyo mamaya..." mas lalong nainis si Jethro at hindi na lang nito kami pinansin at luipat ang mga barkada nito sa kabailang side.

"Hindi ba siya nahihiya?" bulong ni Bria. May mga kasama pa itong mga med student, I think mga 20's na rin sila.

"Hindi talaga kami mahihiya, kasi magaganda kami..." sambit ko sabay ngisi at kumindat pa. Hinila ko si Felly na kahit hindi pa nagpapalit ng damit ay nagtampisaw na kami sa tubig. May lupos tao naman pero nandoon sa kabila naman nila.

Hindi kasi ako marunong lumangoy.

"Felly, tingnan mo nga 'yang Kuya mo... ang sungit sungit oh..."

"Mukhang sinusuhulan pa nga ang kapatid para makalapit kay Jethro ah..." bulong pa ng kaibigan nito.

"Hindi ko na kailangang gumamit pa, kaya ko namang aurahan 'yan." Sabay ngisi sa kanila. Lumangoy ako sa side kahit hindi naman ako marunong lumangoy, and maganda rin naman kasi hanggang balikat ko lang.

Doon kasi banda sa barkada nila Bria lampas tao, baka mamaya malunod ako. Nagsimula na ring maghubad ang kalalakihan, ngumisi si Aidel sa tabi ko habang si Felisidad naman ay nakatingin lang din sa kaniya.

Lumusong na rin ito nang magtagal, nakashorts din naman siya at t-shirt.

"Ang gwapo ha, ang lalaki ng mga abs..." kinikilig si Aidel nang sabihin niya iyon. Tumingin ako kay Jethro na ngayon ay naghuhubad na rin, ngumuso ako at hindi mapigilang mag-iwas ng mata pero napako ang aking tingin sa namimintog na abs ni Jeth.

Napalunok ako, mas malaki ang katawan ni Jethro sa ibang lalaki, si Theo ay hindi nalalayo sa mga katawan nila pero walang papantay kay Jeremiah. Ngumisi ako at tumingin ulit, may nunal din siya sa bandang dibdib pero hindi naman masyadong malaki. Jeremiah is a well tanned man.

"Felly, Kuya mo ba 'yang anghel na 'yan?" tanong ko sa kaniya. Tumingin sila Jethro sa amin at nakita ko ang pagtingin nito, nagulat ako dahil doon. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba 'yon pero bigla siyang ngumiti.

Young Love #2: Not InvalidWhere stories live. Discover now