KUBO
Nang mahila ko na ang buhok niya ay winagayway ko ito, nararamdaman ko ang pag-abot niya sa buhok ko pero nilayo ko iyon. Tinulak ko siya hanggang siya naman ang nakasalampak ngayon sa sahig.
"Awatin niyo!"
Sinubukan akong hawakan ni Jethro pero pumalag ako at pakumbabawan ko si Bria, sinampal ko ito nang malakas hanggang sa mamula ito habang sumasangga siya. Kinuuha ni Jethro ang braso ko pero hindi ko iyon pinalampas.
"Gosh, Zane! Tama na..." hinarang niya ang kaniyang dalawang braso para masangga ang mga sampal ko ngunit nagulat ako nang makita ko ang paglayo ko sa kaniya, aataki na sana si bria nang kuhanin naman na siya ni Kalil at pinagtulungan sila ni Theo para hindi makawala.
"Putangina mo, pakyu ka ha! Akala mo ba matatakot ako sa 'yo!" sigaw ko sa kaniya. Nagdagsaan ang mga estudyante at pilit akong kumawala sa lalaki.
"Aminin mo na kasi na hindi lang si Jethro ang nilalandi mo! Ang dami daming lalaking pwede mong lokohin iyon pang matino! Hindi ka na naawa sa kaniya! Nag-aaral siya ng mabuti!" sigaw ni Bria sa akin.
Natahimik ako ron.
"Hindi ako malandi ah!" aminado ako na malandi ako pero minsan lang naman at dati pa nga iyon! Mas lalo akong nainis nang irapan lang ako ni Bria at kinuha ni Jethro ang aking braso.
"Aminado ka siguro at natatakot ka na ako ang gustuhin ni Jethro kaysa sa 'yo, oo malaki dibdib mo pero ako pa rin ang gugustuhin ni Jethro! Talo ka pa rin!" sigaw ko sa kaniya at nakawala ito sa hawak nila Theo.
Nagsigawan kami nang sugurin niya ako at humarang na si Jeth.
"Tama na nga!" baritanong sigaw nito. Hawak hawak ako ni Jethro nang pumalikod na ako. Ngumuso ako at nag-iwas ng tingin.
"Ang galing! Nakita mo naman ang video, Jethro! Nilalandi ka lang niyan! Siguro kaya ka inaakit ni Zane dahil iba ka sa mga lalaki niya! Pero kapag nagsawa na 'yan iiwan ka na rin! Tingnan mo nga!" sigaw ni Bria sa amin.
"Sinasabi ko lang sa kaniya na sayang ang oras niya kapag pumatol siya sa 'yo!"
"Insecure ka lang siguro kasi ako ang unang napansin ni Jethro, 'di mo ba alam nagsex na kami nito nung isang araw, ano ginawa din ni Jethro sa 'yon 'yon? Sa akin oo!"
Mas lalong nagdilim ang mga mata ni Bria sa akin.
"T-totoo ba 'yon, Jethro?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.
"Oo totoo 'yon, sarap niya nga, Bria."
"T-tangina..." huling bulong ni Bria habang hinawakan nang mariin ni Jethro ang aking braso halos ngumiwi ako sa higpit non.
Sasagot pa sana ako nang hilahin na ako ni Jethro at nagulat ako nang padarag niyang binitawan ang aking braso.
"Umuwi ka na agad, bukas humingi ka ng tawad sa kaniya."
"Ano! Hindi ako magsosorry sa kaniya! Siya nga ang nag-umpisa ng gulo e! Anong ineexpect mong gagawin ko!" sigaw ko sa kaniya at mas lalo itong nagalit.
"Mali pa rin 'yon! Kung ano ano ang sinabi mo kay Bria! Ikaw pa nga ang unang nanabunot!" sigaw niya sa akin at halos magwala ang loob ko ng itulak ang kaniyang dibdib.
"E tangina mo pala e! Magsama kayo!" sigaw ko at halos maiyak iyak na ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Bria sa kaniya, mukhang tanga talaga 'yong babaeng 'yon at anong gusto niyang mangyari na magsosorry ako sa kaniya?
Ano sila hilo!
"Zane!" hinabol niya ako pero dahil malalaki at mahahaba ang kaniyang biyas ay nahabol niya at at kinuha agad niya ang aking braso. Humarap ako sa kaniya nang may luha ang mga mata.
YOU ARE READING
Young Love #2: Not Invalid
RomanceZane Beatrix Selguero is often in trouble, always picking fights and flirting with anyone, she is a playgirl and everyone knows that. She's disliked at the university, so her Mommy transferred for her to behave. When she moved to Nueva Ecija, everyt...