Labi
"Hindi ka ba inaalila ni Senyora rito?" tanong ni Sandy sa akin. Tumulong din sya maglinis ng sahig, para naman maexercise at matanggal ang mga hang-over nila. Ngayon mga bangag pa rin sila Kuya Ram at Ty kaya hindi ko na lang sila pinakailaman.
Bahala nga sila riyan.
"Hindi naman," tipid na sagot ko.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Jethro sa akin kagabi, lutang pa rin ako hanggang ngayon, muling nagsalita si Flor pero hindi na rin ako nakasagot. Kinalabit ako ni Sandy.
"Parang tanga amputa, 'di ka ba nakikinig?" naiinis na tanong sa akin ni Sandy at inirapan ko lang siya. "Lutang ka e, bakit at sino ba ang dahilan niyan?" tanong niya sa akin at inirapan ko lang siya.
Inayos ko ang vase sa sala.
"Don't tell me, hindi ka na manlalaki? Meron na ba?" tukso naman ni Floris sa akin. Kakagising lang ni Mad at deretso siya sa kwarto ko at doon siya naligo, ang mga unggoy naman tulog pa rin hanggang ngayon pasado alas onse na ah.
"Parang tanga." sabay irap ko sa kanilang dalawa.
Sinundot ni Flor ang tagiliran ko at hinampas ko siya sa braso, para siyang tangang nakatingin sa akin. Nakaturo ang hintuturo niya habang tawa nang tawa si Sandy. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Tinamaan ka na nga, alam ko meron daw umaaligid na lalaki rito sa inyo? Nakausap ko si Jamille kahapon..." sagot nito sa akin at lumakit ang mata ko sa sinabi ni Flor. "Sus, huwag ka ng magkaila! Mahal ka naman namin kahit ganyan ka."
"Hindi ba kayo titigil? Mamaya marinig ni Abuela 'yan e, parang 'di nag grade two!" nagmiddle finger ako sa kanila habang hagalpak naman ng tawa ni Sandy dahil sa nirereact ko ngayon.
"So meron na nga?" natatawang tanong ni Sandy sa akin at umiling lang ako. "Huwag ka ng magsinungaling, sungalngalin kita riyan e."
"Hindi nga! Tangina naman."
Mas lalo silang napahagalpak, tuwang tuwa ah. Baka mamaya sabihin ko naman 'yung kay Flor.
"Eh ikaw Flor?" nakataas ang aking kilay. Mukhang hindi pa alam ng mga pinsan ko ang nangyayari sa kaniya ng Koi na 'yon, kapag binuwisit niya ako ngayon baka dumulas pa ang dila ko kaya minabuti ko na lang na isarado ang aking bibig.
"Bakit si Flor?" nakakunot noong tanong ni Sandy.
"Maluwang na 'yan si Flor, tingnan mo 'yung kiffy niya."
"Puro burgis."
Nagmiddle finger si Flor sa akin at minatahan ako, hindi rin naman ako nagpatalo at minatahan ko siya.
"Baka pagnakita niyo kiffy ko, mas maluwang pa sa inyo."
"Can't relate!" sigaw ni Sandy sa akin, napasigaw naman si Kuya Ram sa loob ng kwarto at lumabas siya. Nakakunot ang noo namin dahil sa lakas ng sigaw nito. Umabot yata hanggang sa kanto.
"Tangina, sino naglagay ng butiki sa kama!" sabay tili. Bumuntong hininga na lang kami habang naghahabulan sila Kuya Dwight at Kuya Ramiro, alam kasi nila na takot si Kuya Ram sa butiki kaya siya na naman ang pinagdiskitahan.
Si Kuya Redd naman tahimik lang na lumabas sa may kwarto habang gulo gulo ang buhok.
"Kailan ba kayo aalis dito? Kaya nga ako sumama at dito tumuloy, para naman mapahinga 'yung tenga ko! Letche! Ang iingay niyo!" sigaw ko sa kanila.
YOU ARE READING
Young Love #2: Not Invalid
RomanceZane Beatrix Selguero is often in trouble, always picking fights and flirting with anyone, she is a playgirl and everyone knows that. She's disliked at the university, so her Mommy transferred for her to behave. When she moved to Nueva Ecija, everyt...