Chapter 18

11 0 0
                                    

Greedy

"Mabuti naman po ayos lang kayo..." sambit ko sa mama niya. Bumisita ako sa palengke, tuwang tuwa ako dahil walang naging problema sa amin, halos mangiyak ngiyak ako. Pinakain na muna ako ni Jethro habang nakasampa sa lamesita.

"Jethro, I can help..." presinta ko ngunit umiling na lang ito bago ngumiti. Lumapit pa ito at hinalikan ang pisngi ko.

"No, you will not."

"Pero, kaya ko naman. Alam ko namang magtrabaho... besides that's a basic!" pagmamayabang ko. Napadaan ang kalalakihan at napatingin sa akin, hinarangan ni Jethro ng katawan at nasakop yata ako dahil sa laki ng katawan niya.

"Anak, magtrabaho na muna, mamaya na ang landi."

"Yes po, Nay."

Napangisi siya sa akin habang nagbubuhat ng balde baldeng isda, nagtataka nga ako. Bakit ang bango bango niya pa rin kahit malalansa na ang isdang dumidikit sa kaniya o baka siguro sa katawan? Malinis siguro siya.

Wala pa akong tyansa na nakitaan ng libag sa kaniya, napakalinis ng katawan niya.

Tinulungan ko si Tita Lovie na magtinda, kaya ko naman. Ayaw lang ni Jethro at iisipin niya na naman na mapapagod ako, paano na lang ang nanay niya? Tapos sasabihin niya sa akin sanay na sila, ako rin kaya kong masanay!

"Mahal na mahal ka ng anak ko..." puna niya sa akin at ngumiti ito.

"H-ho?"

"Mali ang akala ko noon, akala ko kasi puro kayabangan ang umiiral sa mga Selguero..." sagot nito sa akin at namula ang pisngi mo. "Hindi pala, likas lang talaga sa unang tingin may maling akala ka."

Ngumiti ako.

"Dumating sana ang panahon na kayo pa rin at kayo lang, walang iba, hija. Huwag mong papalitan ang anak ko, kahit masungit 'yan hindi ka niya iiwanan..." sabay ngiti at halos may bahid ng pagkalungkot. Why? Bakit malungkot siya?

Nababahala tuloy ako.

"Nagtataka kami bakit mo nagustuhan ang anak ko? Bakit nga ba?"

"Mabait po ang anak niyo..."

"O baka nagwapuhan ka sa kaniya?" pagmamata niya sa akin at napatawa ako. Humagikgik naman si Tita Lovie sa akin bago tumango. "Gwapo ang anak ko, alam ko 'yan. Sa akin lahat nagmana..."

"Ma, hatid ko muna si Zane..." sabay ngiti ni Jethro at tumango na lamang si Tita Lovie at kumaway ako, nakapagbihis na siya bago pa siya lumapit, naamoy ko tuloy ang pamilyar na downy sa damit niya. Walang perfume na ginamit pero ang bango na ng downy sa kaniya.

Alaga ang damit.

"Tutoy, girlfriend mo 'yan?" tanong niya kay Jethro.

"Oho..."

"Ha, e 'di ba apo 'yan ng masungit na matanda? Sino na nga 'yon? Si Pepil?!"

"May problema ho ba?" pagsingit ko sa kaniya.

"Nagkaroon ng konsumisyon sa tapat ng ina mo, si Pepil ang may kagagawan 'di ba? Tinaob lahat ng paninda?" hindi ko magalaw ang sarili ko dahil sa sinabi ng matanda. Halos mapasinghap si Jethro sa nalaman.

"Zane..."

"Ako ang dahilan..."

"Walang alam ang girlfriend mo hijo, awang awa ako sa ina mo dahil sa kademonyohan ng pamilyang 'yan! Bakit mo pa pinatulan!" sigaw niya sa kaniya. Halos mapapikit ito, tumingin ako nang may halong pag-aalala.

Kaya pala, hindi man lang nagsabi man lang si Jethro kung anong ginawa ng matanda iyon naman pala.

"Huwag mong pabalikin 'yan dito para hindi madamay ang ibang nagtatrabaho, Jethro! Kilala namin ang pamilyang 'yan madumi maglaro ang mga 'yan! Masahol 'yan sa demonyo! Nakita mo naman kung paano tayo maliitin nung sumugod dito!"

Young Love #2: Not InvalidWhere stories live. Discover now