Marupok
"Maam Zane ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Jamille sa akin at ngumiti lamang ako sa kaniya, sa sobrang saya ko. Gusto ko nang pumasok ulit bukas, kasi magsasabay na naman kami bukas.
"Ayos lang ako..." sabay ngiti.
"Kanina ka pa nakangiti maam, ano bang ginawa niyo at inabot kayo ng alas-nuebe?" nag-aalalang tanong sa akin. Naramdaman ni Jam ang pagtahimik ko, naalala ko ang ginawa namin sa kubo kanina.
Hindi lang kasi kiss ang ginawa namin, tyaka may kasama na agad hawak, ngumiti ulit ako habang napapailing si Jam sa akin, nililis niya ang leegan ng damit ko at nakahimig ng ideya sa kaniyang mga mata.
"Maam, may ginagawa na ba kayo ni Jethro!" akusa niya sa akin. "Hindi ako mapakali kanina, iyon naman pala..."
"Tumigil ka nga riyan! 'Di kami naghalikan!" tanggi ko at unti-unting tumango ang babae at mukhang hindi ko siya nakumbinsi.
"Gwapo naman kasi si Jethro, aminin na natin iyan... pero Maam Zane, mag-iingat ka sa mga lalaki ngayon, baka mamaya hindi natin kilala ang lalaki tapos..."
"Sinasabi mo bang hindi mapagkakatiwalaan si Jethro?!" inis na tanong ko sa kaniya ngunit umiling kaagad ito.
"Naku maam, hindi!"
Bumuntong hininga ako, hindi niya kilala ang lalaking 'yon, kaya kung makapagsalita siya riyan na parang kilalang kilala niya na? Oh baka naman ganun lang talaga ang nasa isip niya.
"Ang sinasabi ko lang, Maam Zane... kahit buo ang tiwala mo sa kaniya, kilalanin mo pa rin si Jethro..."
"Kilala ko naman na siya, Jam. At walang mali sa amin, kung sakaling may malaman ako wala akong iniisip na masama..." ngumuso na lang ako at tumango naman siya. Unti unti siyang ngumiti.
"Wala bang nangyari sa inyo? Mukhang gulo-gulo ang buhok niyong dalawa, pagod na pagod ah?"
Tumingin ako sa salamin, mukha nga akong nag-aruga ng sampong mga bata dahil sa gulo ng buhok ko, inayos ko na lang 'yon at bumalik sa kama. Nagpaalam na si Jamille sa akin, sa sabado ang uwi ni Abuela kaya dapat na rin akong magbait-baitan kahit hindi naman.
Naglinis na muna ako ng katawan at after kong magshower ay binlower ko ang buhok ko, nagskin care ako at after that natulog na rin.
Kinabukasan.
Naging abala kami sa school works kaya hindi ko na masyadong nakikita ang phone ko. Nag-iba na rin ang proctor namin sa pe kaya hindi na si Jeth ang nagbabantay sa amin, iyong buntis na teacher namin ay nagleave na muna dahil nga malapit na rin ang kabuwanan niya.
Ewan, sinabi nila pinagresign ng asawa niya sa trabaho dahil ayos naman daw kung ang lalaki na lang ang gagawa non, walang ibang gagawin ang ina kung hindi magpahinga na lang.
Tumingin ako sa board at may mga pumasok na ibang taga section, nakiseat in sila sa amin, wala akong katabi dahil excuse si Rosalie Tamayo sa nextseat ko, kaya hindi na ako makakaalarma.
Kumunot ang aking noo nang makitang papalapit sa akin ang nerd, iyong weird guy na nakatingin sa amin noon! Ito nga iyon!
Anong nangyare? Bakit parang nag-iba ang hairstyle ni Glainder? Umayos ang mukha niya, umaliwalas na ito dahil wala na siyang masyadong harang sa mukha niya, ang mga pimples din nawala na rin, ang makapal na kilay at mapulang labi ay lumabas. Ang kaniyang buhok ay hindi na hati sa gitna na parang ginel lang.
Ngayon maayos na ito.
Kumunot ang noo nang kumuha ito ng seats at mukhang sa tabi ko siya uupo.
"P-pwede ba akong umupo rito?" tanong niya sa akin.
YOU ARE READING
Young Love #2: Not Invalid
RomanceZane Beatrix Selguero is often in trouble, always picking fights and flirting with anyone, she is a playgirl and everyone knows that. She's disliked at the university, so her Mommy transferred for her to behave. When she moved to Nueva Ecija, everyt...