Chapter 08

10 0 0
                                    

Tiklop

Tahimik akong nakaupo sa sofa habang pinagmamasdan ang malapad na likod ni Jethro mula sa kusina, humihigop nang mainit na kape. Magaling magluto si Jethro, tyaka masarap pa magtimpla ng kape.

Kinausap ko rin si Jamille na huwag babanggitin kay Abuela ang hindi ko pag-uwi ngayon, wala naman sigurong makakaabot. Tumayo ako at pinuntahan ang bintana dahil malakas na nga ang ulan, may bagyo raw ngayon kaya baka bukas na ako makauwi.

Panigurado walang pasok bukas dahil maraming lilinising sanga ng kahoy sa hernandez univ.

Nag-angat ako ng tingin kay Jethro na nasa kusina pa rin, nang matapos na siyang maglinis ay pinunasan niya na ang basang kamay nito. Sinundan ko ito ng tingin at umakyat sa taas at pumunta sa kwarto.

"Hindi ako makakauwi ngayon Jam, pasabi na lang kay Manong Judy... huwag mong sasabihin kay Abuela, lagot ako ron e."

"Bakit hindi ka umuwi ng umaga? Kaya half day kanina kasi nga may bagyo 'di ba? Saan ka tutuloy ngayon?" nag-aalalang tanong sa akin ni Jam.

"Dito sa bahay ng kaibigan ko, mabait sila huwag kang mag-alala." sagot ko sa kabilang linya.

"O sige, mag-ingat ka riyan. Huwag kang mag-alala hindi makakaabot kay Senyora ito." sagot ni Jam at sa pangalawang tawag ay siya naman ang nagbaba. Pinatong ko ang phone sa ibabaw ng cabinet. Tumingin ulit ako sa itaas.

Wala pa ba si Jethro? Nakita ko kasi siyang pumasok sa kwarto ni Felly, nang makita ko si Jethrong lumabas ay nag-iwas ako ng tingin. Sinarado niya ang seradura at bumaba, tumunghay ito sa akin habang nakita kong may hawak siyang damit.

Isang oversized na damit at isang maluwang na shorts. Nang makaabot ay ibinigay niya sa akin ito.

"Magshower ka na, ako na ang susunod." Sagot nito at tumango ako. Ngumiti ako sa kaniya ngunit hindi na ito ngumiti pabalik. Nalukot tuloy ang aking noo.

"May gagawin ka ngayon?" tanong ko naman sa kaniya.

"Meron akong assignment pa dalawa, sa isang araw naman limang quiz tas isang dalawang long quiz." pormal na sagot niya.

"Grabe, ganyan ba talaga ang normal na araw niyo sa school? Ang dami niyong ginagawa ah?" tanong ko sa kaniya.

Tumingin ako sa damit na binigay sa akin ni Jethro, wala bang panty, bra ayos naman na kasi may bra naman na ako rito pwede ulitin, wala namang amoy. Ngumuso ako at gusto kong magtanong kaso nakakahiya. Lalo na kasi itong short abover the knee kaya baka mamaya makitaan pa.

"Wala kang panty?"

Kaagad itong tumingin sa akin.

"Si Felly-- k-kay Felly sana ako hihiram."

Umirap naman ito.

"Pumasok ka na sa kwarto niya, nandoon sa pangalawang cabinet sa taas, marami siyang panty ron."

"Ayoko, gusto ko ikaw ang kumuha..."

"Kaya mo naman!" halos suminghal na ito. Nararamdaman ko rin ang pagkailang niya at umupo na ulit. Kumunot ang aking noo at hindi na lang siya pinansin. "K-kaya mo naman 'di ba?" malumanay na siya ngayon.

Lumapit ako sa kaniya at sumunod ang kaniyang tingin sa akin na may halong pagtataka kung anong gagawin ko. Tumapat ako sa kaniya ng upo habang may halong pagngisi. Nararamdaman ko ang tensyon sa mga tingin niya.

"Bakit ka naiilang?" natatawang tanong ko sa kaniya.

"Ang kulit mo kasi..."

"Hindi ko kabisado ang bahay mo, kaya ko gustong ikaw na lang ang kumuha..." sabay ngiti. "Bakit, Jethro?"

Young Love #2: Not InvalidWhere stories live. Discover now