Karapatan
"Bakit ayaw mong idala kita sa hospital?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Sakit lang sa tiyan 'to, Jethro. Ayos lang ako." tugon ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko sabay tingin sa akin, tingin iyon ng pag-aalala at pagsusumamo. Napakaganda ng uri ng kaniyang mukha, wala man lang kapores pores. Tinalo niya pa yata ako sa skin care.
"Magpapasundo na lang ako kay Manong Jude, hindi ko kayang humarap sa kanila."
"Haharap ka sa kanila at sa nakaaway mo, hindi pwedeng ganon na lang 'yon... Zane, alam kong wala kang pakialam sa iisipin ng tao pero paano kung makaabot ito sa head office?" tanong niya sa akin.
"Akina gagamutin ko..."
Humarap ako sa kaniya, pinatakan niya ng gamot ang mga sugat sa mukha ko pati narin sa gilid ng labi. Lumebel ang ulo niya habang seryoso niyang ginagamot ang sugat sa aking mukha, ako naman ay abala sa pagtitig sa kaniya.
Pinasadahan ko rin ng tingin ang labi niya, ang pula pula no'n sarap laplapin twenty four hours.
"Stop staring at my lips, tss." sabay nguso.
"Di ka ba naglalagay ng liptint sa labi mo?" kuryosong tanong ko. Kumunot naman ang kaniyang noo. "Ang pula ng labi mo, sarap mo sigurong laplapin non stop." sabay ngisi.
"Shit!" napadiin siya sa paghawak ng band aid, ang hapdi! "Ano ba! Kanina ka pa ah..."
"Kung ano anong lumalabas sa bibig mo..." sagot nito sa akin. Sinunod niya naman ang gilid ng mata ko, nararamdaman ko tuloy ang paghinga niya dahil sa paglapit niya sa akin, as in isang hibla na lang 'yon.
"Kababaeng tao..."
"At least 'di ako nagsisinungaling 'di ba? Sinasabi ko agad..."
"Lahat na lang talaga may sagot." bulong pa nito. Ngumisi ako at nagpatuloy na lang ito, naging seryoso na ulit siya. Hindi ako mkapaniwala, ang lalaking ito ay nanliligaw sa akin. 'Di ako inform.
"Aalis si lola mamaya, gusto mo magpalipas ng gabi sa bahay?" tanong ko sa kaniya.
"Anong gagawin ko ro'n?" tanong niya naman sa akin. "At tyaka hindi ako pwede may gagawin pa akong homeworks."
"Meds things..."
"Hirap ba niyan? Ako siguro kapag nakapagtapos ako rito sa Hernan, magpapayaman na lang ako hindi na ako mag-aaral ng college..."
Tumaas ang kilay niya.
"Marami ka ng pera, Zane. Hindi mo kailangang magtrabaho agad... mag-aral ka muna, enjoying mo lang habang nag-aaral ka pa dahil ibang iba ang mundo kapag nakapagtapos ka na ng pag-aaral mo..."
Ngumiti ako. Ibang iba talaga siya mag-isip, ang swerte ng magiging asawa niya, hindi siya iinvalidate kung dumating ang panahon na 'yon sana kami pa rin pero ang labo labo kasi, siguro dahil kapag nakapagtapos ako ililipat na ako nila mommy sa ateneo de manila.
Mas malayo na sa kaniya.
"Nakamatured mong mag-isip, sana kapag nag-asawa ako ganyan sa 'yo..."
"You don't see me as your future husband?"
"Huh?"
"Hindi mo ako nakikita bilang magiging asawa mo? Bakit may iba ka pa bang gusto bukod sa akin?" sunod sunod na tanong niya.
"Jethro, hindi mo naiisip? Kapag malayo na ako sa 'yo baka makapaghanap ka pa ng mas matino kaysa sa akin, mayaman lang naman kami pero kung pagbabasehan ang pagiging matalino huling huli ako riyan, at lalong lalo na sa pagiging mabait, mabilis maputol ang litid ng pasensya ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/367648681-288-k173006.jpg)
YOU ARE READING
Young Love #2: Not Invalid
RomansaZane Beatrix Selguero is often in trouble, always picking fights and flirting with anyone, she is a playgirl and everyone knows that. She's disliked at the university, so her Mommy transferred for her to behave. When she moved to Nueva Ecija, everyt...