Chapter 07

6 0 0
                                    

Protect

Tumingin ako kay Felly na mabilis kumain habang kami ni Aidel ay tawang tawa dahil sa paraan ng pagkain niya. Napahinto ito at ngumiti lamang sa amin, she smiled cutley. Hindi namin mapalampas ang tirang humbuger sa kaniyang gilid ng labi.

"Bakit nga pala kayo sabay pumunta ni Kuya Jeth sa palengke, Zane? Hindi ka naman pumupunta ng palengke ah?" tanong ni Felly at nanlaki ang aking mata.

"Hindi mo lang alam, inutusan ako ni Yaya Pau na mamili, hindi ko kabisado ang palengke kaya nagpasama ako sa kaniya..." sabay ngisi.

May halong paghihinala pa nga ang mga mukha nila at bakas dito ang hindi paniniwala pero binigyan ko lang ulit sila ng humburger. Hindi ka na rin pala napapansin sila Kiara rito? Siguro nadropped na rin?

Wala kasi akong nararamdamang masamang presensya.

"Hindi ako naniniwala sa 'yo e, hindi ka sanay sa palengke hindi ba? Sabi mo pa nga nangangati ka?" tanong ni Aidel sa akin at umirap lang ako.

"Syempre, nagbabago ang tao, Aidel. Ito parang hindi nag-aaral e."

"Bigay mo garod sa akin account ng pogi mong pinsan kung totoo..."

"Yuck, patulan ka naman non, Aidel." mataray na sambit ko at natatawa lamang sila sa ekspresyon ko habang kumakain kami ng pagkain ay may nagtext na naman sa aking unknown number.

Pinatay ko at sinilent ang phone ko, I hate this feeling. Hindi ako sigurado sa nagtetext sa akin, nagulat ako ng kuhanin ni Aidel ang aking phone at basahin lahat ng messages niya sa akin.

Humalukipkip lamang ako.

"Bakit hindi mo iblock? Pwede naman mablock 'yung number ah? Ang creepy ng text messages niya sa 'yo..."

"Saan, patingin nga..." kinuha ni Felly 'yon at binasa rin. Mukha silang nababahala sa mga messages. Binigay niya sa akin at inabot ko naman. "Oo nga... pwede mong iblock 'yung number niya..."

"Sinubukan ko na pero iniiba niya 'yung sim, pangsampung palit niya na 'to."

"E 'di ikaw ang magpalit?" suhestyon ni Felly.

"Hindi ko mapapalitan 'to, nakasave kasi rito ang numbers ng pinsan ko at nakasave din sa kanila ang number ko kaya mahihirapan akong imessage sila isa isa."

"Ha! Kaysa naman nakikita mo 'yang text messages niya! Pwede mo 'yang ipademanda, Zane! Hindi pwede ang ginagawa niya at labag sa batas iyan..." singit ni Aidel. Napalunok ako sa kaniyang sinabi.

Tama siya, pwede ko siyang idemanda pero ang tanong sino naman ang idedemanda ko? Hindi pwedeng ito lang ang ipapakita ko dahil magkukulang ang ebidensya.

"Hindi nga natin alam kung sino e..." sabay iling ni Felly.

"Oo nga hano..." ngumuso na lang silang dalawa, gustong gusto nila akong tulungan pero mismo ang sarili ko duwag. Naduduwag ako.

"Pero kilala niyo ba ang pinagsususpetsahan ko? Alam ko kilala niyo ito e..." aminado si Felly at alam na agad namin ni Aidel ang tinutukoy niya. "Mamaya, sabay daw kayo ni Kuya, Zane. Pinaalala niya pala sa akin kagabi..."

"Hala! Naalala niya ako!" ngiting sambit ko at ngumisi lamang siya.

"Ha, hindi ba sinasabi niya na 'yon at pinag-uusapan na natin?" nagtatakhang tanong ni Felly at nakatango lamang si Aidel.

"Oo nga hanes, alam ko alam mo 'yan..."

"Nakalimutan ko lang," tumango tango sila at hindi na ako pinansin. Nagpatuloy kami hanggang sa makatatlong burger kami, tumingin ako sa orasan at pasado alasdose ng hapon palang naman.

Young Love #2: Not InvalidWhere stories live. Discover now