Your first
"Tss. Sa tono ng pananalita mo alam kong hindi ka naman seryoso sa pagsagot sa akin..." sagot nito habang nakatingin sa libro na kanina niya pa binabasa. Tumunghay ako sa kaniya.
"Huh? Ano ba dapat ang gawin ko para maganda ang tono ng pananalita ko?"
"Sa tingin ko sanay na sanay ka sa ganuong bagay..." namumula ang mukha niya habang sinasabi iyon.
Paano ba dapat? Hindi ko rin kasi alam, hindi ko rin alam kung paano ba ang gagawin. Nagkaroon ako ng hint sa sinabi niya, hindi ako nag-aksaya ng oras at nagsalita ulit. Tahip ang aking dibdib, sobrang saya ko.
"Seryoso nga ako, ano ba dapat ang sasabihin ko sa 'yo?" tanong ko sa kaniya. "Oo Jethro, sinasagot na kita kasi gusto kita, ganuon ba dapat?" tukso ko.
"Tumigil ka na nga... niloloko mo naman ako..."
"E ano nga ba dapat?" pangungulit ko sa kaniya at nakatuon pa rin ang pansin niya sa librong iyon, kinuha ko sa kaniya at itiniklop. Umayos ako ng tingin at tumuon sa kaniya, lumebel naman siya ng tingin sa akin.
"Your sincerity."
"Feeling mo ba niloloko kita?" may bahid na lungkot na tanong ko sa kaniya. "Kung ayaw mo ng sagot ko osige hindi na..."
"Hindi mo na pwedeng bawiin 'yon."
"Tss." umirap na lang ako, tumingin ako sa orasan. "Anong oras kaya makakauwi ang apat? Sa tingin mo anong oras sila makakarating dito?" tumayo ako at dumungaw sa may bintana at tumingin sa labas.
Tahimik ang Hernan. Maingay lang kapag may mga kaarawan at nagsasaya ang brgy na ito. Kakaiba sa manila, kapag kaarawan mo pupunta ka na lang ng mall tapos kakain ka na lang ng gusto mong pagkain.
Dito hindi, alam nila agad kapag malapit na. Ipaghahanda ka nila at kakantahan pa.
"Isang sem na lang fourth year ka na..." bulong ko.
"Saan ka mag-aaral kapag nakatapos ka rito ng grade 12?" tanong niya sa akin. Kumibit balikat na lang ako, sa totoo nga lang hindi ko nga alam o baka sa manila na at bumalik na ako ron.
"Babalik na rin kasi ako kapag nayari itong isang taon."
Parang ayokong lumipas ang ilang araw, gusto ko ganito na lang. Parang kapag nawala ako rito at malayo sa kaniya feeling ko hindi ko kakayanin.
Natahimik siya sa sinabi ko.
"Isang sem na lang ba? Aalis ka na?"
Tumango ako, nanatili kaming tahimik. Bumuntong hindi ito at hindi na lang ulit siya nagtanong, bakit kaya? Mamimiss niya kaya ako? Hahanaphanapin niya kaya ako kapag nawala ako rito? Gusto ko ako lang ang mamiss niya.
"Bakit hindi ka mag-aral ng kolehiyo rito na lang sa hernan?"
"Gustuhin ko man, Jeth. Hindi ako papayagan nila Mommy at Daddy. Gusto nila akong tingnan doon at seryosohin na ang pag-aaral ko kahit sa totoo lang ayoko ng aral na 'yan. Gusto ko magkaroon na lang ng trabaho. O kaya naman maging asawa mo na lang."
"Ang bata pa natin para ron, Zane."
"Akala ko nga hindi mo alam ang bagay na 'yon, akala ko kasi dora lang ang pinapanood mo..." sikmat ko sa kaniya at kumunot ng husto ang kaniyang noo sa sinasabi ko.
"Anong sabi mo?" hamon niya.
"'Di ka ba nanonood ng porn?" namula ng husto ang buong mukha niya. O bakit? Hindi pa ba siya nakakanood ng porn! Ang tanda niya na hindi na siya bata. Imposible. Hindi ako naniniwalang hindi siya nanonood no'n! "Mg naging fling ko, mahilig sa gano'n, gusto kasi nila may thrill."
![](https://img.wattpad.com/cover/367648681-288-k173006.jpg)
YOU ARE READING
Young Love #2: Not Invalid
RomanceZane Beatrix Selguero is often in trouble, always picking fights and flirting with anyone, she is a playgirl and everyone knows that. She's disliked at the university, so her Mommy transferred for her to behave. When she moved to Nueva Ecija, everyt...