Promised
"Umalis mama mo?" sa huli hindi rin kami nakapunta. Bantay sarado si Manong Jude, baka mapahamak pa siya. Tumango lang ito at inilapag ang bag sa bangko, naghubad na rin ng polo at nag-iwas ako ng tingin, nakasando na lang siya.
"May pinuntahan sila Mama at si Felly, sa pinsan namin doon sa bayan... baka bukas ang uwi."
"Buti napapayag mong huwag na maghanda?" tanong ko sa kaniya.
"Hindi sila pumayag nung una pero pinilit ko sila, sayang ang pera kung hahanapin mo pa ulit ang gagastusin mo..." sagot niya sa akin. Nagluto ito ng tocino at cornbeef, I want to buy something else pero hindi na niya ako pinayagan, may spaghetti naman daw na stocks pero kasya pangdalawa.
Sumang-ayon na ako.
"Pero Jethro, may point naman sila... birthday mo naman..."
"Ayoko lang na nag-aabala pa sila..." sambit nito sa akin habang busy ito sa niluluto, Jethro handle the pan very well, parang chef na sanay na. Pinagmasdan kong mabuti ang ginagawa, wala akong hinintay na segundo, niyakap ko siya patalikod.
I burried my face on his back.
"Zane, matatapon ko ito..." natatawang usal niya. Tumingin lang ako habang sinisinghot ang pamilyar na amoy sa katawan niya. "Ganyan na ba ako kabango kaya ayaw mo na tigilan..."
Sinundan ko pa siya hanggang sa makarating sa lamesa, tawang tawa naman ito habang nakadikit ako. Hindi ko pala alam na lumuluha na ako, may pumapatak na tubig sa aking mata sanhi para lingunin ni Jethro ang aking mukha.
Puno ng pagsusumamo ang kaniyang mukha.
"W-why?"
"I love you Jethro, you are mine..." nanginginig na sambit ko.
"You don't need to mark me, ako dapat ang gagawa niyan sa 'yo."
"Please, huwag kang hahanap ng iba habang wala pa ako rito. Babalikan naman kita..." hagulgol ko. Nagsisi pa ako nang makita niya akong mahina ngunti inalo niya ako ngayon, para akong manikin na dinala sa lap niya.
He is staring intenly right now, kumikibot ang labi ko habang nakatitig siya sa akin ng malalim.
"Baby..."
Hinalikan ko ito. Nang humiwalay ay hinagkan niya ang aking noo, pinatakan ng halik ang gilid ng mata na may luha. Sumisinghot pa ako.
"Kumain ka na muna, Zane. Huwag kang magpapagutom..."
"Hindi ako uuwi."
"Pero..."
"I said it, Jethro dito lang ako." Pinal na sagot ko, mukha namang sumuko na ito, lumuwag ang pagkakahawak niya sa akin at kumain na ako ng tahimik habang pinapanood ni Jethro ang galaw ko, naiilang tuloy ako.
"Dito ka na sa kwarto ko, dito ako sa sofa." Pagkatapos naming kumain ay inihatid niya na ako sa kwarto kung saan ako matutulog, tumingin ito sa akin habang umupo naman ako.
"Bakit ayaw mo akong katabi?"
"H-hindi 'yan ang ibig kong sabihin..."
"Then what? Ano pa ba ang meaning no'n sa akin syempre masasaktan ako dahil lumalayo ka pa sa akin..." hinawakan nito ang balikat ko at napapikit na sa frustration. "K-kahit itong gabi na lang, Jethro. Wala na akong maibibigay sa 'yo..."
"Hindi ko habol ang katawan mo, Zane."
"Our relationship is pure... hindi pwedeng ito na lang ang gagawin natin---"
"Please..." halos mangiyak ako, hinawakan ko ang laylayan ng kaniyang sando habang nakatingin sa kaniya ng buong pagsusumamo. Bayolente itong lumunok at nag-iwas ng tingin sa akin. "I know you're not innocent right?"
![](https://img.wattpad.com/cover/367648681-288-k173006.jpg)
YOU ARE READING
Young Love #2: Not Invalid
RomanceZane Beatrix Selguero is often in trouble, always picking fights and flirting with anyone, she is a playgirl and everyone knows that. She's disliked at the university, so her Mommy transferred for her to behave. When she moved to Nueva Ecija, everyt...