Chapter 25

5 0 0
                                    

Trapped

"T-that's impossible, hindi naman magagawa sa akin ni Gill 'yon... sinisiraan mo ba siya sa akin?" natatawang tanong ko sa kaniya. Pagewang gewang akong bumalik sa table kung saan nandoon ang kaibigan ko pero hinawakan niya na 'yon.

"Theo..."

"Pre..."

"Nasaan nakapark ang sasakyan?"

Hilo akong lumingon sa kanila.

"May balak ka ba? Huwag naman sanang humantong sa ganito pre... hindi na kita kilala, ibang iba ka na... sino ba 'yan? Bago mo?" tanong nito. Hindi niya nga ako nakilala, ang daming nagbago sa akin. "Wait lang ah..." sinipat niya ng tingin ang kabuuan ko.

"Si Zane?! Teka lang, Jethro... saan mo dadalhin 'yan ha?! Si Zane 'yan ah!" hindi makapaniwalang sagot nito. "Ihahatid mo sa condo niya? Nandito ang kaibigan niya si Hael? 'Di ba?"

"Sinabi sa akin ni Hael..."

"What!"

"Huwag ka na munang magsalita, nasaan nakapark?!" sikmat niya rito. Pilit ko siyang tinitigan pero wala na talagang lumalabas sa aking bibig. Buong lakas ko siyang tinulak pero hindi pa rin sapat 'yon.

"E 'di ba may boyfriend 'yan! Huwag mong sabihing magsesettle kang maging kabit!"

"Damn it, Theodore. Nasaan nga nakapark!"

"Duon sa gilid, sa may tabi ng gate." ibinigay niya ang susi sa kaniyang kaibigan tinapik niya ang kaibigan niyang si Jethro at may binulong.

"Huwag mong kalimutang may boyfriend 'yan, Jethro. Kahit mahal na mahal mo pa..."

"Matagal na 'yon..." walang kabuhay buhay na sagot niya. Halos mamanhid ang aking kamay at paa pati na rin ang sasabihin ko ay wala akong mabigkas. Gusto ko siyang sampalin pero mas nangingibabaw ang sakit sa dibdib ko.

Maingat niya na akong dinala papunta doon. Halos maamoy ko ang pamilyar na amoy niya.

Matagal naman na talaga 'yon, halos seven years na rin mahigit simula no'n wala na kaming pagkikita o usap man lang kahit sa social media. Halos matulala ako, ibinaba niya ako sa kaniyang kotse at umikot sa driver seat.

"Damn girl, you drink a lot." reklamo niya. Hindi pa sana ako magsasalita nang magsalita siya at dahil doon uminit ang ulo ko. "Do you purposely get drunk para mag-alala at puntahan ka ng boyfriend mo?" mapanuyang tanong niya sa akin.

"Just want to have fun, ano namang kinalaman ng boyfriend ko rito!" sikmat ko sa kaniya. "P-please... sa condo ako uuwi ngayon." utos ko.

"Hindi ka uuwi ron, at anong gagawin niya sa 'yo?" halos magiba ang iniingatan kong pagtitimpi.

"And if I go with you, what are you going to do to me?!" I shouted at him. "Do you think you can take advantage of me? Even if I'm drunk, I know what I'm doing! Don't even try, because you won't win! Now take me to his condo!"

"I'm taking you to my condo..."

"Hael doesn't even know if I've gone home! He's already worried about me."

"Hael requested this plan. He told me to pick you up so he could have some alone time. I waited for months, only to find out you've got someone else? Wow, Zane. We've only been apart for a few years, and you already replaced me?"

"Tangina, it's been seven years! Who in the right mind would wait that long?"

"Ako?"

"It's impossible, nag-usap na kami ng kapatid mo... sabi niya meron na kayo ni Bria, hindi naman ako mahirap kausap sino nga ba kasing tangang wala pang karelasyon at naghihintay pa rin..."

Young Love #2: Not InvalidWhere stories live. Discover now