Epilogue

127 5 1
                                    

Epilogue

Tinitigan ko ang mga freshmen na dumadaan sa labas ng room namin papunta sa kanilang classroom. I played my lower lip with my fingers. Sinundan ko ng tingin ang isang freshman. Maputi, maamo ang mukha, at mahaba ang straight na buhok.

Siniko ako ni Owen at tinawanan. "May nakita ka na naman, 'no?"

I smirked. Tumayo ako at umupo na sa puwesto ko. Tinapik ko ang balikat nina Steven at Joseph na nakaupo na. Kaka-ring lang ng school bell hudyat na magsisimula na ang klase. Sinundan ako ni Owen at tumabi sa akin.

"Daming magaganda sa mga Grade 7 ngayon, ah?"

Nilingon kami ni Lei nang marinig si Owen. "Mangbababae na naman kayo, 'no?!" sabay tingin ng masama sa akin.

Humalakhak ako at tinaas ang dalawang kamay. "Chill, Lei. Ikaw lang sa puso ko." I grinned.

Lumaki lalo ang ngisi ko nang mamula ang pisngi niya. That's so easy. Mga ganoong salita lang, tiklop agad.

"Heh! Huwag ka ngang makulit!" aniya at bumalik sa ginagawa.

Lumapit sa akin si Owen para bumulong. "Hindi pa pala kayo break n'yan? Akala ko may tinetext kang bago sa Grade 8?"

"Mamaya..." mahina kong sinabi.

"Iba ka talaga, p're!" tumawa si Owen at pabirong sinuntok ang braso ko.

The classes are boring, except that there's a Montellano transferee. Jake Montellano, pinsan ni Kim. Si Kim na hindi ko alam kung bakit inis na inis sa akin.

Nasa canteen kami at kakatapos lang kumain ng lunch. Binalingan ko si Jake na sinusundan ng tingin ang pinsan niyang si Kim na naglalakad sa quadrangle papunta sa gate, kasama ang mga kaibigan nito.

"Saan sila pupunta?" Jake asked.

"Baka makikipagkita si Kim sa boyfriend niya." I answered.

"With her friends?" ngumuso si Jake. "Baka naman iyong isa ang makikipagkita?"

"Sino sa dalawa?" si Owen.

"Imposibleng si Gwen. Hindi namamansin 'yan." sabi ko. "Babatiin pa lang ni Owen, binasted na agad."

"Really?" Jake scoffed and smirked.

"Si Kim ang makikipagkita. Wala naman ding boyfriend si Sheerness." si Joseph.

"Si Sheerness, pare. Hindi ko makausap kasi plano atang ligawan ni Klevin." si Steven.

"Plano pa lang, unahan mo." ani Jake at tumayo.

Sinundan ko siya ng tingin. Ngumisi ako nang matanto na hindi si Kim ang sinusundan niya ng tingin at binabantayan.

Sumulyap ako sa phone ko nang makitang nagreply na si Lei. Tumayo ako at tinapik sina Owen para magpaalam.

"Anong sasabihin mo sa akin?" malaki ang ngiti ni Lei nang magkita kami sa third floor.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at sinulyapan ang gymnasium na walang katao-tao. Kung hindi lang ako makikipaghiwalay sa kanya, baka naka-score pa ako.

"Lei, sorry, ayoko na." diretso kong sinabi sa kanya.

Mabilis na nagbago ang ekspresyon niya. Unti-unting namula ang mukha niya at mukhang iiyak na. Pinasadahan ko ng daliri ang aking buhok at nag-iwas ng tingin. Hindi na bago 'to, palaging ganito ang nangyayari sa tuwing gusto ko nang kumawala.

"Bakit?" aniya sa nanginginig na boses. "Bakit ayaw mo na? At bakit biglaan naman?"

Sa totoo lang, hindi ko alam bakit sinubukan ko siyang pormahan. Hangga't maaari ayokong magkaroon ng karelasyon sa iisang classroom. Nasaktuhan lang na may hindi ako maintindihan sa Math kaya nagpaturo ako sa kanya at inakala ng mga kaklase namin na pinopormahan ko siya kaya tinotoo ko na.

Played (Montellano series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon