Chapter 2

106 5 0
                                    

Chapter 2

"Rake is a playboy. Marami na siyang napaiyak na babae kaya mag-ingat ka." kanina pa sinasabi ni Kim kahit na nakauwi na kami.

Pairap ko siyang tinignan. "And?"

Tinampal niya ang braso ko. "Ang sabi ko, mag-ingat ka! Baka interesado sa'yo. Kapag kinakausap ka, huwag mong pansinin."

Ngumisi ako at umiling-iling. Nakipag-usap lang naman siya sa akin. I don't think he's interested.

"Nakipag-usap lang, e."

"Saan tayo bukas?" tanong ni Jansen.

Nilingon siya ni Kim. "Skyranch. We're going to watch a movie."

"Anong movie 'yan?" si Kaizen.

"What genre do you want?"

"I want romance!" si Nica.

"Horror!"

"Romance na lang!"

Nagkagulo sila sa kung anong movie ang papanoorin bukas. I decided to take a bath. Kumain na kami ng dinner pagdating. Rake was invited but he refused. Marami pa raw siyang gagawin dahil tumutulong siya sa Papa niya.

Paglabas ko ng bathroom, I saw Kim watching me. Nakatingin siya sa nakasulat sa aking braso. It's the tattoo of our oath as family. Montellano in Old English font. It's placed around my arm. Sa boys, sa kanilang tiyan. This is the reason why I got grounded for the first time in my life.

Sinuklay ko ang aking buhok. My long waves were untangled. I then parted my long fringes in half.

Tumunog ang phone ko sa tawag ni Paulo. Kinuha ko iyon at sinagot. Nanatiling nanonood si Kim sa akin.

"Hello," sagot ko.

"Hi," Paulo sighed. "How's your day?"

Nagpatuloy ako sa pag-aayos at niloud speaker ang phone. Tahimik pa rin si Kim na pinapanood ako. Naririnig ko sa baba ang mga pinsan na maingay na naman.

Why is she not joining them? May kailangan ba siya sa akin?

"Ayos lang. We went to the orchard. The view is beautiful."

"Nice. I wish I was there."

Ngumisi ako. "Dapat pinasa mo na ang subject mo para hindi mo na kailangang magsummer classes."

"Well, I got busy that time for the UAAP. I thought I was exempted."

"No choice, you have to take it. How's Jake there?"

"He's fine. Ako, hindi mo tatanungin?"

Ngumiti ako. "Alright. How's your day?"

"Missing you." aniya at natawa sa sinabi.

"Nag-uusap naman tayo palagi."

"Yeah, but I want to see you. Like, in person."

"Sa fiesta." sabi ko.

"Yeah, sa fiesta pa! Tagal pa!"

We went on talking about each other's day. This is what we've been doing since he started courting me.

It's not a big deal to me but there are times that I force myself to talk because I'm tired or not in the mood. But most of the time, I enjoy talking to him because he's a great conversationalist.

"Si Pau ba 'yon?" tanong ni Kim noong matapos ang tawag.

Tumango ako. Nagtaas siya ng kilay.

"Boyfriend na ba?"

Played (Montellano series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon