Prologue

292 7 0
                                    

Prologue

Inayos ko ang buhok ko at umupo nang maayos. Maingay ang paligid sa sigawan at hiyawan ng mga tao.

Pinaypayan ko ang sarili gamit ang kamay. Mainit dahil madaming tao. It's just a friendly game but it's the last for this school year so everyone watched.

"Wala 'yan! Boo!" sigaw ni Ate sa tabi ko, nakatayo, habang tumatalon. "Boo!"

Humalukipkip ako at bumuntong-hininga. Tumili si Ate nang hindi pumasok ang puntos ng team na kanina niya pa tinatrash talk.

Jansen looked at us with a glare. Hindi pumasok ang shoot niya. Kabilang siya sa team na tinatrash talk ni Ate. Team ng mga pinsan ko.

"Why didn't they call their team, the M team? Puro Montellano naman ang kasali." si Nica sa tabi ko habang tinitignan namin ang mga players sa loob ng court na lahat ay Montellano ang nasa jersey.

Huminto ang laro nang magtime out ang team ng mga pinsan ko. Kumalma si Ate at umupo sa tabi ko. Tumayo si Nica para iabot ang dalang gatorade sa kanyang kapatid.

"Fucking stop the bad luck, Mikee!" si Jansen paglapit sa kanilang bench, nakatingala sa amin sa taas ng bleachers.

"What? I'm just cheering!" giit ni Ate.

"Yeah, you're cheering for that weak boy toy of yours!"

"If he's weak, bakit tambak kayo?"

Sumimangot si Jansen at marahas na ginulo ang buhok sa frustration. Padabog siyang umupo sa bench.

"Bakit, kanino ka ba nakapusta?" si Vianca kay Ate.

"Sa kabilang team." sagot ni Ate. "Duh, walang pag-asa 'yang sina Jansen. Inuuna ang init ng ulo."

"Wala pa si Jake n'yan. Lalong tambak kung nand'yan." si Nica.

"Baste isn't playing well." komento ko.

"He's brokenhearted. Dapat hindi na pinaglaro."

"Atsaka nasa kabilang team si Regino. Malamang siya ang ichecheer ko!" giit ni Ate.

Tinignan ko si Regino na nasa kabilang bleachers. His friends pushed each other when they saw me looking.

He's Ate's current boyfriend. Type ni Ate kaya sinagot agad kahit hindi gaano katagal ang panliligaw. He's tall and handsome. Kabilang sa team na kalaban ng mga pinsan ko.

The game resumed for the final quarter. Mas umingay ang sigawan dahil sa excitement na papatapos na ang laro. I can see my cousins getting tired. They're trying to lessen the 20-point gap in the scores.

They lost at the end, though. Badtrip silang lahat dahil last game at natalo pa sila. They've been talking about it even during dinner. They are blaming Ate for giving them bad luck.

"Kung hindi ka nagtrash talk, panalo sana!" si Jansen na pinaka-badtrip sa lahat.

Malaki yata ang natalo sa pustahan kaya galit. Siya naman ang pinakamaraming foul sa kanila.

"E, kung hindi ka bobo maglaro, panalo sana kayo! Don't blame me, Jans."

"Next time, don't let the girls watch, please!" si Kaizen.

"Kaya ka galit na galit kasi napahiya ka sa mga girls mo. Come on, Jans. Be sport and accept defeat!"

"Bakit ko tatanggapin? Naniniko 'yang boyfriend mo!" Jansen grunted. "Damn it! Ilang beses 'yon, hindi man lang tinawag ng ref! Ako pa ang foul!"

"The guy has guts, bro. Kung konti lang ang nanonood, ginantihan ko na 'yon." Darren commented.

"Mayabang kasi girlfriend si Mikee. Wala namang ibubuga!"

Played (Montellano series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon