Chapter 35

55 3 0
                                    

Chapter 35

The trip to the hotel was so annoyingly and awkwardly quiet. My eyes are stuck to the front and I'm not moving even an inch. Nakaupo ako sa front seat ng kanyang Navara, tahimik, at hindi gumagalaw. Siyempre, iritadong-iritado sa sitwasyon.

If only I have a choice, I wouldn't step into his car. Well, actually I have a choice but it's dangerous. May choice naman akong tumanggi at hindi sumakay pero kailangan kong lakarin ang nakakatakot na kalsada na 'yon. Who knows what would happen there with no one around.

'Di bale, it's just a few minutes ride. I'll just endure this dreading silence being in a small space with him. Hindi ko na rin naman siya makikita ulit. Siguradong uuwi na 'to ngayong gabi.

"Thanks." tipid at malamig kong sinabi bago bumaba nang makarating kami.

Hindi ko na siya hinintay na sumagot at sinarado na ang pintuan. Dire-diretso akong pumasok sa hotel at hindi na siya nilingon pa.

I was wide awake almost the whole night that night. Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa mga nangyari sa araw na 'yon. And when I'm finally about to fall asleep, naaninag ko naman ang pagsikat ng araw hudyat ng pagsisimula ng bagong araw.

Nakatulog ako at hindi agad nakabangon. Hapon na nang magising ako kaya wala na akong free breakfast sa hotel. I just ate lunch outside and started exploring some shops around downtown. When night arrived, I went to the famous night market to check the place.

Nakapamili naman ako ng mga damit at souvenirs. I also tried some foods there. It was late at night when I came back to the hotel. I decided to just eat dinner at the hotel's restaurant.

I was eating while scrolling my phone after posting some pictures I took in my stories. Ganoon ang ginagawa ko nang may umupo sa table ko, sa tapat ko.

Nag-angat ako ng tingin sa gulat. Nanlaki lalo ang mga mata ko nang makilala kung sino ang umupo sa harapan ko. Kalaunan napalitan ang gulat ko ng iritasyon.

"Why are you here?" masungit kong tanong kay Rake.

Yes, it was Rake. Again. For the second time. It's annoying that I saw his face again. What is this bastard doing here? Akala ko ba umuwi na 'to kagabi?

"Where did you go today?" tinanong niya ako kaysa sagutin.

Umirap ako at uminom ng tubig para kumalma kahit konti. Hindi pa ako tapos sa pagkain pero nawalan na ako ng gana pagkakita ko sa kanya. He ruined my whole day.

"I asked you first." malamig kong sinabi habang tinitignan siya nang masama.

I'm not sure if he can see it or he just ignores my glares because he even smiled a little while watching me. He looks amused while I'm here gritting my teeth with irritation as I stop myself from throwing my fork at him.

"Sinong kasama mong gumala kanina at bakit mag-isa ka lang na kumakain ngayon?"

"Stop pestering me and go away."

Padabog kong binagsak ang paper bills ko. I gathered my things and stood up. Marahas ko siyang nilingon nang tumayo rin siya.

I glared at him. "Did you hear what I just said?!"

Nagsisimula na akong balutin ng iritasyon. This guy. Ano bang gusto niya at nanggugulo? I want to have a peace of mind in this trip but I don't think I can get it with him being here! I should call Marlon para pauwiin na 'tong lalaking 'to.

"Kung babalik ka na sa room mo, babalik na rin ako sa akin. I'm also checked in here." he smirked which annoyed me more. "And I'm not here to bother you, so you may know. Kakatapos ko lang magdinner at nakita kita kaya nilapitan kita."

Played (Montellano series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon