Chapter 38

53 3 0
                                    

Early upload 'coz WAYF has 4.8k reads as of this posting! <3 Thank you so much! If you wish to read it: https://www.wattpad.com/1163616185-wrapped-around-your-finger-ranillo-series-1

-

Chapter 38

Tuluyang nagising ang diwa ko nang makarating sa bahay. Nadatnan ko ang mga pinsan ko na nag-uusap at naghihintay sa akin.

Hindi ako sumabay kay Paulo. Darren arrived before we get to leave. He knows the owner of the bar and they called him about what happened. Si Darren ang nag-uwi sa akin.

"Pinauwi ko na 'yong dalawa." sabi ni Da sa mga pinsan ko.

Nilapitan ako ng nag-aalalang si Ate Mikee. "Mich! Are you alright?"

Tumango ako. Gavin gave me a glass of water. I drank it and took a seat on the couch beside Nica. Inayos ni Nica ang buhok ko.

"So what happened?" si Baste, ikinagulat ko pa na nandito siya.

"I thought you all are busy?" tanong ko.

"Yes, we are but we heard that you got involved in a man fight." si Jake.

"Mabuti na lang nag-out of town sina Mommy. Gusto mo bang magshower at magbihis muna?" si Ate sa akin.

Tumango ako at tumayo. Saktong pagbukas ng double doors namin. Pumasok si Rake na pinupunasan ng tissue ang kanyang mukha.

Nagkatinginan kami. Umigting ang panga niya at nag-iwas ng tingin. Nanikip ang dibdib ko nang makita ang itsura niya pati nang maalala ang mga sinabi ko sa kanya kanina. I suddenly regret what I did and said.

"Tara na, sis." si Ate at iginiya na ako sa hagdan.

"I told you to go home, man." I heard Darren.

"I need to check if she's okay." narinig kong sagot ni Rake bago kami pumasok sa kwarto ko.

I quickly took a shower and changed into comfortable clothes. No'ng nagpapalit ako ng damit ko lang napansin na bahagya palang bumaba ang tube denim dress ko. At habang naliligo ako, naalala ko ang nangyari kanina.

I can still feel Paulo's hands all over me, touching and caressing my body while we were in some hot kiss. I wasn't with myself that time and I was so drunk but I still didn't like what happened. We were both so drunk and I almost gave in if Rake didn't come.

I didn't expect Paulo would take advantage of me again. I know I'm at fault too, but I trusted him.

Bumaba na ako pagkatapos kong mag-ayos. Everyone got quiet when I went down but earlier they were noisy arguing.

"We should kick Paulo out. We trusted him." si Kaizen. "Sinasabi ko na nga ba. Nagawa na niya noon, pwede niyang gawin ulit."

Baste shook his head then turned to me. "Mich, how are you feeling? You alright?"

Sinulyapan ko si Rake na pinapanood ako. May hawak siyang cold compress sa kanyang mukha. Binigay siguro ng mga pinsan ko.

"Yeah, I'm fine. I didn't get hurt." bumalik ang tingin ko kay Rake. "Are you alright?"

Umiwas siya ng tingin. Bahagya siyang tumagilid para hindi ko siya makita nang maayos.

"Of course not, but I'm glad you're fine."

Sandaling natahimik ang mga pinsan ko. Tumikhim si Darren at nagsalita.

"I talked to the owner and asked him not to spread what happened. Mabuti na lang walang nakakita kaya hindi aabot kina Tita."

"I'm sorry..." sabi ko at yumuko, inangat ang mga mata kay Rake. "I didn't expect Paulo to..."

"It's not your fault, Mich. You were too drunk." si Jansen.

Played (Montellano series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon