Chapter 6

64 3 0
                                    

Chapter 6

Kumalma rin ang lahat pagkatapos ng ilang minuto. Hindi na tinuloy ang game kaya walang nanalo sa pustahan. Napagdesisyunan namin na umuwi na lang pero bago umuwi, kumain muna kami.

Tyson was wounded, may sugat sa labi at pisngi. Isang beses lang siya nakasuntok at kay Christen lang. Mas malakas ang suntok ni Rake sa kanya.

"Ang tahimik mo," puna ni Anya sa akin na katabi ko sa table.

"Masanay ka na. Tahimik naman talaga si Mich." sagot ni Kim.

"Akala ko kasi natakot siya sa gulo kanina. Baka hindi sila sanay na makakita nang ganoon."

Kim scoffed. "Anong hindi sanay? Laging napapasama sa away ang mga pinsan ko kaya sanay na sanay na 'yang si Mich."

"Ayos lang ako." nginitian ko si Anya.

Napasulyap ako kung nasaan si Rake. Nasa line of vision ko siya kaya madalas na naliligaw ang tingin ko sa kanya. He's seated with the boys, sa kabilang table.

I caught him watching me. Nang magtama ang mga mata namin, umiwas siya ng tingin at nakisali sa usapan ng mga katabi niya.

Hindi na kami nagka-usap pagkatapos niya akong hilahin palayo sa gulo pero pansin ko ang madalas niyang panonood sa akin. I already told him I'm fine. If he's thinking I was scared, I wasn't. Maybe I just panicked earlier.

Hindi ko rin alam bakit ko sinubukang awatin siya. Looking at his body built, alam kong kaya niyang umagrabiyado. He can beat someone easily. Ganoon ang mga pinsan ko. Kaya kung hindi siya tumigil kanina, magkakagulo lang lalo. Isang suntok pa lang 'yon pero dumugo na ang labi ni Tyson.

"Mich," tawag sa akin ni Jett. "Answer Pau's calls. Kanina ka pa raw tinatawagan."

Nakita ko ang pagbaling ulit ni Rake sa akin nang marinig iyon. Tumango ako at kinuha ang phone ko na kanina pa pala nagvivibrate.

"Sa'yo pala 'yong nagvivibrate." si Ate sa akin.

I excused myself and answered Pau's call. Lumabas ako ng fast food restaurant na kinakainan namin.

"Hello," bati ko sa kanya.

"Jett said you guys got into a fight? Are you okay?"

"Aren't you supposed to be in class?" tanong ko dahil gabi pa ang dismissal niya sa pagkakaalam ko.

"Lumabas ako sandali para tawagan ka. Nabasa ko sa group chat na nasangkot daw kayo sa gulo. What happened? Were you hurt?"

I looked at the Pampanga Colleges in front of me. Nasa veranda ako ng mall na katapat nito, kung nasaan ang fast food restaurant na kinakainan namin. Nagdidilim na ang langit dahil malapit nang gumabi.

"Nagkagulo lang habang naglalaro sila. I'm fine. You don't have to worry."

"Was it a big fight? Baste kept talking about it in the group chat. Kung hindi naman daw pala siya mananalo sa pustahan, pinuruhan na lang sana niya 'yong nakaaway nila. Ano bang nangyari?"

"Just a common fight when playing ball, Pau. They were not involved directly. Hindi sila ang nakipag-away at hindi rin sila ang nagsimula."

"What is it, then? Sinabihan na liligawan ang girlfriend? Iyon lang naman ang dahilan para makipag-away sa court."

Tumawa ako. "How'd you know..."

"Kasi makikipag-away din ako kapag sinabihan ako na liligawan ka. Iyon din ang sinasabi ko para maasar ang kalaban namin."

"Bakit mo gagawin 'yon?"

"Of course, it's because I like you and I'm courting you. Ayokong may aagaw sa'yo."

Played (Montellano series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon