Chapter 7
Nakakapagod pala ang pagiging muse. Paano kaya natitiis ng mga sumasali ang ganito, lalo na sa pageant. Pakiramdam ko nagkasugat ako sa paa pagkatapos naming maglakad. We walked for like an hour, I think. Sobrang sakit ng mga paa ko dahil sa suot na heels.
"Finally, nakabalik din!" my cousins exclaimed when we returned to the court.
Kakaupo ko pa lang at kakainom ng tubig nang matanaw si Homer na paparating. I sighed exhaustedly. Aayusan na ako para sa Miss Rosarian.
Nakaupo ako sa bleachers habang nakatayo sa gilid ko si Rake, pinapaypayan pa rin ako hanggang ngayon. He's talking with my cousins then looked at me when I sighed.
"Halika na, hija. Magsisimula na daw ang opening in fifteen minutes." ani Homer.
"Pagpahingahin mo muna, Homer. Kakatapos lang maglakad." singit ni Rake.
"Ay! Tignan mo siya, pawis na pawis! Aayusan ko pa siya. Magpahinga na lang siya habang inaayos ko siya. Magprapractice pa kami." sagot ni Homer. "Mich, halika na."
Bumuntong-hininga ako at tumayo. Nagpaalam muna ako sa mga pinsan at sumunod kay Homer. Sumama sa akin si Kim.
There are tents serving as waiting rooms. May mga food stalls din sa labas. Maraming tao ang nanonood at tirik pa ang araw dahil tanghaling tapat kaya sobrang init.
Umupo na ako sa harap ng salamin para maayusan na ni Homer. May mga kasama kaming iba pang muse ng ibang teams. Binati nila si Kim nang makita siya.
Tinignan ko ang pinsan ko na umupo malapit sa malaking electric fan habang kinakausap ang mga bumati sa kanya. Makiki-electric fan lang 'to kaya sumama.
Kasabay ng pagsisimula ni Homer sa pag-aayos sa akin ang pagsisimula rin ng programme. Pagkatapos magsalita ng guest speaker sa opening remarks, Miss Rosarian na. Mabilis lang ang speech nito kaya naman nagpanic at nagmadali na si Homer.
"Mabuti na lang maganda ka at hindi na kailangang bigatan ang make-up!" aniya at pumalakpak para magsimula na ako sa practice.
Pareho pa rin naman ang ayos ko. Sleek high ponytail with my long fringes over the sides of my face. Homer just retouched my make-up because he already panicked. Kailangan pa kasi namin mas maayos ang paglalakad ko dahil kahapon ko lang iyon naperfect.
Nagsimula na rin akong kabahan at magpanic nang tinawag na ang unang muse. The loud screams of the audience even made my heart beat faster.
This is my damn first time! Kabadong-kabado ako. Unang beses kong sumali sa ganitong klaseng pageant. I know I will just walk around and smile, give my best, and introduce myself and our team but I'm nervous. Sobrang daming tao pa naman!
Wala naman akong stage fright but I don't like the spotlight being focused on me. Parang nagsisi tuloy ako na pumayag ako na maging muse.
"Go, Mich! Kaya mo 'yan!" Kim cheered on me when my name was called.
Paulit-ulit na mura ang ginawa ko sa isipan habang lumalabas sa tent at naglalakad sa stage. Damn it, I'm fucking nervous!
Dumoble ang kaba ko nang matanaw si Lola na kasama ng mga iba pang sponsors. Lalo na nang nagsigawan ang mga pinsan ko!
I just want this to be over!
I gathered myself on the stage. Iikot lang naman sa stage at hihinto sa gitna para magsalita tapos magpupunta sa gilid kasama ang ibang muses.
Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. I slowly walked like what I practiced and what Homer taught me. Paulit-ulit sa isipan ko ang mga sinasabi niya na ayusin ang facial expression at ang paglalakad.
BINABASA MO ANG
Played (Montellano series #1)
RomansaPosted: August 28, 2023 Status: Completed What kind of spell did she cast on him to be so crazy over her? With just one picture of her, he was immediately bewitched... and played. MONTELLANO SERIES: » Played (Montellano series #1) » Pained (Montell...