Chapter 10

54 2 0
                                    

Chapter 10

He's the worst playboy I knew. That girl was different from the girl that day. Ibang babae rin ang narinig ko noon sa restroom. Really, how many girls he had?

"Who's that girl?" tanong ko kay Kim nang makabalik sa pwesto.

"'Yong kausap ni Rake?" tinignan niya ang tinuro ko. "Oh, that's Faye. Ex niya."

I exhaled sharply. This is unbelievable. Talaga nga ba na buong barangay ang naging girlfriend niya?

"Told you, he's notorious. Naniniwala ka na sa akin?"

"I believe that he's indeed a playboy. Sinabi na ni Jake noon sa akin at naprove ko."

"Bakit hindi mo pa rin siya iniiwasan?"

Natawa ako at binalingan siya. "Ni hindi nga kami nag-uusap ngayon. You think hindi ko pa rin siya iniiwasan? You know I got irritated at him, right?"

"No. I mean noong una pa man, hindi mo siya iniwasan. I already told you since then that he's a playboy."

"I don't judge him with that, Kim. Yes, he's a playboy but I can still talk to him. Wala naman siyang ginawang masama noon para hindi ko siya kausapin."

"Ah, whatever. Atleast you got a reason now to not to talk to him. At mukhang iniiwasan ka rin kaya hindi ko na kailangang mag-alala."

"You don't have to worry about in the first place."

"Why is he avoiding you, though? Did you do something? Baka sina Baste? Napansin na gusto ka kaya binantaan na agad siya."

Umiling ako at binalewala na siya. Bumalik ang isipan ko sa ginagawa niyang pag-iwas.

I really don't want to think about it but I'm very bothered. Hindi ko gusto na may taong naiinis sa akin o may galit sa akin. I don't like the feeling.

I watched him laugh with my cousins. Nasa bakuran kami at nagprapractice sila. Sila-sila lang, only my cousins and Rake. My cousins are topless while Rake still has his white sleeveless shirt. Basang-basa na ito ng pawis.

Sean and Gavin are also with them. Hindi madalas maglaro ang dalawa dahil mas pinipili nila na maglaro ng computer games. It's actually a miracle today that they joined.

Jansen and Baste were doing some silly moves and everyone's laughing at it. Nasa portiko ako at nanonood sa kanila, may hawak na libro na kaninang umaga ko pa binabasa pero mula noong nagpractice sila, hindi ko na maintindihan.

"Gav can shoot! Try three-point!" si Kaizen sa kapatid ko.

"He can only do that in EA." pang-aasar ni Ate.

"Oh, you watch, Ate!"

Pinasa ni Rake ang bola kay Gavin at lumapit sa kanya. Not sure but it looks like he's teaching my brother. Umayos ako sa pagkakaupo sa upuang duyan para mapanood sila nang maigi.

"Go, Gav. Your sisters are watching!" si Baste.

Kinawayan ko si Gavin nang lumingon siya sa akin. Maybe they're planning to play later so they're practicing.

Gav positioned himself outside the line that my cousins draw. He threw the ball and it was shot.

"Nice shot!" I heard Rake then tapped my brother's shoulder.

I didn't know Gavin can do that. I mean, yes, he does play basketball but not often so I didn't think he's that good. Hindi sila adik ni Sean sa basketball, unlike the other guys.

"We've been practicing with Kuya Rake." si Sean.

"Lagi ka namang sumasama d'yan, e. Kapag ikaw, iba ang natutunan mo maliban sa pagbabasketball, nako!" si Kim.

Played (Montellano series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon