DNHS
Napalingon lingon ako sa piligid ng makapasok ako sa bagong school na nilipatan ko. Medyo may pang mayaman ang datingan ng school pero safe raw naman dito kaya dito ako pina transfer ni Tita.
Simpleng red neck tie na may logo at name ng school sa gitna at gray na blazer. Kulay grey rin ang palda namin at dapat ay hindi ito bababa o above the knee.
Pumunta muna ako sa main building na may 8 na palapag at naghanap ng pinaka malapit na billboard.
Nang makahanap na ako, hinanap ko muna ang fourth year sections.
1st year...... 2nd year....... 3rd year....... Ayun! 4th year!
Saang section ba ako?
Lyza Xion Katrezze Xrofron- 4Z
Sandali..... Section Z?
May ganun bang section? Pero siguro... bagay naman sigurong ang section nato sakin dahil sa mga records ko sa previous school.
Hayss!
Pero nagtataka lang talaga ako kung bakit iilan lang ang nga estudyante dito ngayon sa hallway. Saan naba ang iba?
Nagbasa basa muna ako sa ibang nakapaste dito sa billboard, baka makahanap ako ng clue.
'Kindly get your ID in D5 room in the 5th floor of this building'
Ahhh, kaya pala.
Agad agad na akong pumunta roon... At men ang haba ng pila.
Kaya pala iilan lang ang mga estudyanteng nakikita sa hallway kanina.
Pumila na agad ako sa pinakahuli. Bat ang tagal gumalaw ng pila?
Sandali.. Tang'na sumisingit oh!
Sobrang taas ng pila sa pagkuha ng ID kahit maaga palang. Para narin daw ito sa kaligtasan naming lahat.
Ginagamit raw nila ang ID para ma determine kung taga DNHS ba kami o hindi. Tapos ngayon may sumisingit.
Bwesit! Kanina pa tong lalaking to ah! Langya!
"Huy, pumila ka nga wag kang singit!" sigaw ko sa lalaking kanina pa singit ng singit.
Kainis kasi mas lalong humahaba ang pila.
Agad ko naman naagaw ang atensyon nilang lahat. May ibang nakapoker face lang na tumitingin sakin, yung iba ineeripan ako, iba naman parang nag aalala... Don't worry my fellow students, I can do this!!--- charr!
Pero hindi ko talaga maiwasan yung isa, yung lalaking sinita ko kanina. Gwapo nga naman siya pero...
Te! nakakatakot yung itsura niya! Babanatan ata ako ng buhay neto! luhh! T-tulong!
Dahan dahan siyang lumapit sakin pero nakapoker face lang ako sa kanya. Che! Di na kaya ako natatakot
"Do you have any idea who I am?" sarkastiko nitong tanong sakin.
Nakakabuwesit na oh!
"Oo.. yung lalaking kanina pa singit ng singit sa pila. Di kaba marunong magbasa ng signs? Nandun oh, umayos raw sa pagpila" banat ko sa kanya sabay turo sa sign na tunutukoy ko.
Napasmirk naman yung ibang lalaking kasama niya at yung iba nagpipigil ng tawa. Na mas lalong ikinainis niya.
Sa totoo lang nakaramdam nadin ako ng hiya at takot ngayon. Mas matangkad din pala siya sakin... Feeling kong hanggan tainga niya lang ako, matangkad kasi talaga siya.
Nakakarinig narin ako ng mga bulong bulongan ng ibang estudyanteng narito.
'Lamunin ka niyan ng buhay'
YOU ARE READING
Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)
Teen FictionPinagmasdan niya ang kabuuan ng school sa labas ng campus at bahagyang napangiti. "Iwas na dapat sa gulo ah" bulong niya sa sarili bago humakbang sa bago niyang school na papasukan. Pero kaya ba talaga niyang maka iwas sa gulo kapag nalaman niyang a...