CHAPTER 10

5 1 0
                                    

IN THE KAPWE!

"Iha... pwede ba akong umupo dito?" mahinang tanong sakin ang isang matandang babae.

Puti na ang mga buhok niya at marami narin siyang wrinkles sa mukha at katawan.

"Opo lola" masigla ko namang sagot sabay ngiti. Kinuha ko na ang bag ko sa bakanteng upuan sa tabi ko para makaupo na si lola.

Kasalukuyan kasi akong nakasakay sa bus ngayon papunta sa school. Bakante naman ang upuan sa tabi ko kaya naki upo nalang si lola.

May dala na nga pala akong bagong bag ngayon. Mas maliit ito kesa sa dati kong bag.

Mga gago kasi pati bag ko pinagtripan na.

Nagtaka tuloy si tita bakit may dala na naman akong bagong bag.

Dibale.

Hinanda ko na ang sarili ko dahil ilang segundo nalang ay hihinto na ang bus sa impiyerno-este school.

Paghinto ng bus ay agad na akong tumayo at nagpaalam na sa matandang babae na nakatabi ko.

Bago pa ako makababa sa bus ay hinanda ko na ang nga paa ko.

Dahil... tatakbo tayo men. Tatakbo tayo dahil wala akong dalang payong!

Sana nga lang at hindi ako madudulas dahil dito.

At yun na nga ang nagyari. Pagkababa ko ay kumaripas agad ako ng takbo papunta sa school at humanap agad ng masisilongan.

Pffft! Muntik na talaga tuloy akong madulas kanina.

Habang naglalakad papunta sa building namin ay di ko maiwasan na mamangha dito sa school nato.

May sariling mga gymnasium ang bawat sports. May soccer field pa at running field ba ang tawag dun?

Basta. Yung parang may mga linya kung saan may tumatakbo ganun.

May library din pala dito. Nasa second floor ng cafeteria. Malawak rin ang school ground ng school pero napupuno ito ng tubig ulan ngayon.

Meron ding parking lot dito, merong pang bicycles lang, merong ding pang motorcycle at yung last ay pang 4 wheels ang above na. Ang katabi din nun ay ang malawak na garden ng school kung saan dito mo rin makikita ang napakagandang fountain. At sa paligid din nito ay may mga upuan at table kung saan pwedeng makapag-lunch.

Pagkatapos ng ilang minutong pagpaparkor ay nakarating na agad ako sa building namin. Agad akong umakyat sa hagdan para hindi na ako matagalan pa.

Nang makarating ako sa last floor, yung floor kung saan naroon ang room namin. Ay hindi ko maiwasang kabahan.

Ang ingay ng room namin at rinig na rinig ko talagang may nagtatakbohan.

Ahad akong tumakbo papunta sa entrance at hindi nga ako nagkakamali.

May naglalaro ng basketball sa bandang likod may iba namang naghahabulan at yung iba nagse-cellphone lang. Pero kahit ganun ay may naka agaw talaga ng atensyon ko.

Anak ng..

Agad akong naglakad papunta dun at kunot noong tinignan.

Ang upuan ko... :<

Puno kasi ito ng mga sulat, may putik pa at ang mas worst. Basa yung desk at upuan ko.

Walang hiya!

Tinignan ko ang buong section. Patay malisya lang ang nga PISTI habang hawak hawak ng so called hari si Kevin.

Akmang sisigaw sana ako nang biglang bumukas ang pinto ng room namin at niluwa doon ang may masungit na mukha at panot pa- teacher pala namin.

Sowi sirr ^_^

Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)                Where stories live. Discover now