CHAPTER 4

3 1 0
                                    

THE PAST

Pagkakita ko palang sa mukha niyang nakangisi. Nag init nalang bigla ang dugo ko.

Matagal ko na talaga gustong gawin to sa kanya.

Ang makabawi....

_________ FLASH BACK _________

2 YEARS AGO

"L-lasing ka nanaman?" lumapit ako kay Drake at inalalayan siyang pumasok sa bahay at pinaupo siya sa couch.

Mag isa lang ako ngayon sa bahay nila tita dahil may pinuntahan pa sila at gagabihin pa raw sila ng uwi.

Mga 6 pm na naman ngayon kaya makaka uwi na siguro sila mga 6:30 pm.

"Sandali lang Drake ah kukuha muna ako ng tuwalya" tumayo na ako nang napaupo ko na siya sa couch at pumunta sa kwarto ko.

Hinanap ko sa lalagyan ko ng damit ang tuwalya na pampunas sa mukha niya dahil nababalutan ito ng pawis niya.

Si Drake nga pala 16 years old na siya at 15 naman ako. 5 months na kaming in relationship at sanay narin kami nina tita at tito na pumupunta siya rito  paglasing siya. Medyo malayo rin kasi ang bahay niya sa bar na pinupuntahan niya.

Hinanap at hinanap ko yung tuwalya..

Heto na...

Lumingon na ako sa pinto para balikan siya sa salas pero laking gulat ko nang nakatayo na pala siya sa nakasarado kong pinto.

Jusme!

Tinignan ko yung kilos niya mula sa paglock niya ng pinto hanggang sa maglakad na siya papunta sakin.

Teka... Hindi naman siya lasing ah.

"A-ah sinundan mo pala ako" sabi ko at sinimulang punasan ang pawis sa noo niya.

Habang pinupunasan ko yung pawis niya pansin ko lalaga ang matalim niyang tingin sakin. Magkasing tangkad palang kasi kaming dalawa.

Pupunasan ko na din sana ang pisngi niya pero hinawakan nalang niya bigla ang kamay ko at sarkastiko siyang ngumiti.

"B-bakit a-anong problema?" nauutal ko tanong.

Hindi naman siya ganito dati lalo na kapag naka inom siya. Mga last month ata mga 3 to 4 times a week na siya pumupunta sa bar, kahit 2 to 3 times lang yun every two to three weeks.

Tinignan niya ang dibdib ko at mas lalong lumapad ang ngiti niya sa muka.

Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)                Where stories live. Discover now