NEW SELF NO MORE
Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayan na madilim na at nasa tapat na pala ako ng bahay.
Agad akong pumasok sa gate at nilock yun. Diretso lang ang pasok ko hanggang sa pinto ng bahay.
Papagalitan na naman ako ni manang neto. Hays!
Pagpasok at pagpasok ko sa loob ay bumungad nga sakin si manang at may hawak pa siyang spatula.
Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Hehe. Hello manang..." ngiti ko at sinubukang tumakas.
Si manang din kasi ang pinakamatagal na dito sa amin kaya siya talaga ang pinagkatiwalaan. At siya narin ang naging pangalawa kong magulang kapag wala sina tita.
"At saan ka pumunta?" natigilan ako.
Dahan dahan ko siyang tinignan sa mukha at ngumiti ng nakakaloko.
"HEHEHE"
"Ewan ko sayong bata ka... Tayo na sa dining. Kakain na tayo." aniya at nagsimulang maglakad papalayo.
Hwew! Muntik nako dun ah!
Ahad kong sinunod si manang at pagdating ko sa dining ay nakahanda na ang mga pagkain at mga pinggan.
Mayat maya pa ay nagsimula na kaming kumain. Since wala sina tita at tito. Ang anim na maid lang ni tita ang kasama kong kumain ngayon.
Nang matapos ako ay nagpaalam agad ako sa kanila at umakyat na sa kwarto ko.
Pagkapasok ay agad kong nilock ang pinto at nilagay ko muna sa drawer ko ang libro, wallet at cellphone ko na kanina ko pa hawak-hawak.
Pagkatapos ay agad akong naligo at nagpalit ng pajamas bago matulog.
Kinabukasan ay napagpasyahan ko na maagang magising dahil hindi ako magbubus.
Maglalakad ako at para narin makapag isip-isip ako.
Habang naglalakad ay dito na bumalik sa isipan ko ang narinig ko kahapon kay Kevin.
Nainis ako bigla. Yung inis nga na ang sarap manapak! Tinrato ko sila ng maayos pero sila naman tong parang gago na iniinsulto ako at sinasaktan pa! Physically!
Tsk!
"Hi miss"
Bungad sakin ng isang lalaki ng makaliko ako sa isang kato.
Tinulak niya ako ng malakas dahilan para mapasok ako sa isang madilim na lugar na pagitan ng dalawang gusali. Sa pagkabigla ko ay wala akong nagawa kundi ang magpadala at bumagsak naman ako na nakaupo sa sahig.
Aray!
Inangat ko ang tingin ko at may nakita akong dalawang lalaki na nakangisi na sakin ngayon.
Taka akong tumingin sa kanila at magtatanong na sana pero naunahan ako ng isa sa kanila.
"Ikaw yung girlfriend ni Khleo hindi ba?" may pagkasarkastiko nitong tanong sakin.
Kumunot naman ang noo ko.
The fuk?! Ako? Girlfriend ng inang yun?! Ang tindi!
"Wala kanang takas ngayon miss. Hindi ka malikigtas ng jowa mo..." wika ng lalaking nagsakita kanina at dahan dahang lumapit sakin.
"Anong jowa? Anong girlfriend na pinagsasabi niyo jan?! Wala akong jowa at hindi ko boyfriend yun!" sabi ko sa lalaking lumalapit sakin pero hindi ito nakinig.
"Wag kanang magpanggap!"sigaw niya sakin at nagtangkang suntukin ako pero umilag ako agad.
"Anak ng..."sinuntok na naman niya ako pero umilag ako ulit at ako naman ang sumuntok sa tiyan niya.
YOU ARE READING
Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)
Teen FictionPinagmasdan niya ang kabuuan ng school sa labas ng campus at bahagyang napangiti. "Iwas na dapat sa gulo ah" bulong niya sa sarili bago humakbang sa bago niyang school na papasukan. Pero kaya ba talaga niyang maka iwas sa gulo kapag nalaman niyang a...