DRAKE
Natapos ang first day ko sa DNHS. At aminin ko talaga, nakakapagod!
As in!
Buong araw ko talagang tiniis ang pambibwisit ng mga kaklase ko sakin at yung kirot sa gilid ng noo ko.
Bumili nalang ako ng malaking band-aid para matakpan lang ang sugat ko. Tsk!
Ginawa ko talaga ang lahat ng makakaya ko na hindi manlang makagawa ng gulo kahit sa first day of school lang. Hehe.
Pero except lang yung nangyari sa pila kanina. Singit kasi ampt!
Kainis!
"Ayaw mong lumabas?" bored na tanong sakin ng kaklase ko na Kevin raw ang pangalan.
Kasalukuyang nakasubsob ang pagmumukha ko ngayon sa desk ko habang nahawak ang kanang kamay ko sa noo na may sugat.
Pano ba naman kasi eh, ang laki laki ng sugat pano ko to maipapaluwanag kay tita mamaya. Mahirap na baka mag dragon mode yun bigla. HAHA!
"Di'wag" rinig kong sabi ni Kevin at kumalabog ang pasaradong pinto.
Punyeta!
"Sandali lang oh!" Agad akong bumangon at kinuha ang bag ko na nakasabit sa hook sa gilid ng table.
Nilingon ko ang pinto para magsimula nang maglakad... Pero huli na pala!
Anak ng... Seryoso ba siya?!
Agad akong tumakbo papunta sa pinto, yung pinto na nasa gilid ng board, yung nagsisilbing entrance namin. Sinubukan kong i slide sa gilid ang pinto. In fairness sliding door ang nasa room namin. Hehehe!
"KEVIN! PAG MAKALABAS AKO DITO KAKALBOHIN TALAGA KITA!" sinubukan ko pang islide ang mas malakas ang pinto— pero bigla nalang itong bumukas at tumilapon ako sa gilid. Sa mga upuan to be specific!
Aray ko! Ounyeta tong si Kevin oh!!
Pagkabukas at pagkabukas ng pinto ay agad na pumasok ang napapawisan na bwesit. Este si Kevin. Agad niyang sinara ang pinto at nilock niya iyon.
Nagsalubong naman agad ang kilay ko at silapak ko siya sa batok.
"Aray, ano ba" pabulong niyang sabi.
Mas lalo naman akong nagtaka kaya kinurot ko naman ang teynga niya.
"Araaaaay!" sabi niya ulit pero pabulong parin.
'nong problema ng lalaking to?!
"Ano namang kagago—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil tinakpan niya agad ang bibig ko. Kitang kita ko talaga sa mga mata niya na natatakot siya.
Hala! Hala! Hala! Baka may multo!!!
Huhuhu! Ayaw ko sa mga multo!
Nanahimik narin ako kagaya niya at pinakinggan ang paligid.
May naririnig kami na footsteps na sa tingin ko mga dalawa o tatlong tao yun. Wierd.
Tinignan ko si Kevin ng masama at may halo ring takot.
Binigyan niya lang ako ng 'shh' na sign kaya mas lalo akong nainis at natakot. Gago naman tong si Kevin dinadamay pa ako sa kagagohan niya!
Titaaa! huhuhuhu!
Nakikilabotan na talaga ako sa totoo lang. Sa tingin ko nga may kung anong armas pa silang dala.
Maririnig mo kasi ang tunog ng bakal sa nasasadsad sa semento.
**BANG** isang kalabog ang nagmula sa ibaba na floor.
"Ano yun?" pabulong kong tanong kay Kevin na ngayon ay seryosong seryoso ang mukha.
"KEVIIIN! WAG KANANG MAGTAGO!" sigaw ng kungsino sa labas ng room. Papalapit na sila ng papalapit. Tangna to!!
Tumingin ako sa bintana, madilim na. Kaya siguro may iba ng taong nakakapasok.
"Bakit kilala ka nila?" giit ko sa mahinang boses parin.
Bahagya namang lumingon si Kevin sakin at obvious na obvious sa mukha niya na natatakot na rin siya.
Pinandilitan ko siya ng mata.
Ano ba naman kasi to oh! Dinamay pa ako!
"Taga ibang school yan, g-gusto nila akong patayin"
Pagkatinig ko niyon ay tuluyan na akong nawalan ng lakas at napakurap nalang.
Hindi ako makapaniwala.
Mabait naman tong si Kevin ah, siya nga ang tumulong sakin kanina nung nahihirapan akong bumili ng pagkain sa cafeteria.
Pero siguro, hindi ko pa naman lubosang kilala talaga tong si Kevin, first day of school ko pa nga dto.
"Ano nang gagawin natin?" tanong ko sa kanya.
Sasagot na sana siya nang may bigla nalang kaming nakitang mukha sa maliit sa glass sa sliding door namin.
"Gotcha Kevin" saad nito kaya bigla nalang kaming napaatras dalawa.
Sobrang lakas narin ng tibok ng puso ko. Animoy nasa roller coaster ako. Putik na to!
Off naman ang ilaw naman dito sa room pero yung sa hallway bukas parin kaya kitang kita naman ang pinaggagawa nila.
Tatlo... Tatlo nga sila.
Pero may namumukhaan akong isa sa kanila.... Kilala ko siya..
***Bang***
Isang malakas na kalabog ang nagmula sa labas ng pinto dahilan para masira ito.
Tinignan ko si Kevin kung may idea ba siya kung anong gagawin namin pero nanginginig lang siya sa takot.
Bwesit talaga tong si Kevin oh kahit paano.
Alam kong kayanin parin niyang lumaban dahil medyo matangkaf naman siya sakin at medyo malaki rin ang katawan.
Pero ano ngayon?! Pero nalang kaming nanginginig sa takot.
Kahit alam kong siya lang ang pakay dito ay may chance parin na dadamayin nila ako lalo na't babae ako. Hayy! Jusme!
Pinagtyagaan talaga nilang mabuti mabulsan lang ang pinto. Habang tami naman..... tingting..... tulala parin.
"Kevin ano nang gagawin natin, bawal na ako makipag away" saad ko sa kanya. Kahit di ko masyadong makita ang mukha niya alam ko medyo nagulat siya sa sinabi ko.
"N-nakikipag away ka? Sa dati mong school?" hindi makapaniwalang tanong kiya sakin habang nakaturo ang daliri niya sakin.
"Kaya nga ako nan—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may bigla uling malakas na kalabog mula sa pinto. At ngayon naboksan na nga niya.
Tumawa silang tatlo nang malakas habang ang nasa unahan ay pinaglalruan ang axe na hawak niya.
Ayy... sandali, axe?!
Tang'na ang brutal naman yata nito pumatay. Putik mahirap kalabanin to.
Tumayo si Kevin kaya napatayo natin ako.
Bigla nalang niyang hinawakan ang brado ko at itinago ako sa likod niya.
"We came here for you Kevin" sarkastikong sabi ng kung sino.
Pamilyar talaga! Kilala ko talaga tong boses nato!
"Turn the lights on" patuloy naman niya. At kasunod nito ang pagsindi ng ilaw sa room namin.
Bahagya akong sumilip kung sino yung nagsasalita kanina.
At tama nga ako... Kilala ko ang lalaking yun...
Bwesit!
Napakamalas nga naman oh!
DRAKE!
YOU ARE READING
Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)
Teen FictionPinagmasdan niya ang kabuuan ng school sa labas ng campus at bahagyang napangiti. "Iwas na dapat sa gulo ah" bulong niya sa sarili bago humakbang sa bago niyang school na papasukan. Pero kaya ba talaga niyang maka iwas sa gulo kapag nalaman niyang a...