CHAPTER 8

8 1 0
                                    

SQUARE FAIR GAME

Bigla nalang akong nanginig at dahan dahang nilingon ang so called hari sa likod ko.

Putik naman oh! Kailangan ko pa bang ipaliwanag to?

"A-ano namang ipapaliwanag ko?" tanong ko.

Sa totoo lang, nanginginig na talaga ako ngayon. Buti na nga lang at nakuha ko pang magtanong.

Langya naman kasi tong hari nato. Pinapatanggal make up ko tapos ngayon ipapaliwanag ko na naman kung bakit ganito ako kaganda— char!

Kung ang tanong lang naman niya ay kung bakit ganito ang pagmumukha ko... Malamang dahil hindi ako pure na FILIPINA!

Ang sarap namang sapakin ang lokong to!

Loading mo pre!

Magsasalita pa sana si Khleo nang may bigla nalang sumigaw na babae nang malakas sa labas nang room namin.

"LUMABAS KA DIYAN! AUGHHH!" sigaw nang kung sino.

Agad naagaw ang atensyon namin sa sumigaw sa labas kaya lahat kami napadungaw sa labas ng pinto.

Kakarating lang ng isang babae na namumula sa galit at may kasama rin siyang iba pang mga babae.

Tinitigan ko nang maayos ang babaeng nasa likuran niya.

Teka! Namumukhaan ko ata sila! Sila yung mga barkada ni Kayah sa nakita ko sa bus a week ago...

Ay hala! So—NAKU!

PATAY NA TAYO!

Dali dali akong sumiksik para makapasok sa room at para narin matakpan nila.

Ako ata pakay dito eh. Hehehe.

"LUMABAS KA! T*NGNA ANONG GINAWA MO KAY KAYAH?!"

Di pa ba obvious? Malamang pinagbigyan ko siya sa gusto niyang mangyari. Ang yabang kasi! Di ko naman siya ina ano.

"ILABAS NIYO ANG PISTING BABAENG YAN!" sigaw nang babae kanina na sa tingin ko nasatapat na siya nang pinto.

So ako na ang pisti ngayon?! Waw naman!

"Sandali lang..." mahinahong sagot na kung hindi ako nagkakamali ay si Jyryll yun.

Siya yung parang kanang kamay ni Khleo. At halos lahat nang katarantaduhan sa loob at labas ng school ay magkasangkot raw talaga silang dalawa.

At kung nagtataka ka kung san ko nalaman yun. Wala namang iba kundi kay Kevin!

Buong akala ko talaga ay may pagka mysterious person tong si Kevin. Pero nagkakamali ako ante! Madaldal pala ang mokong yun!

"Harapin mo siya.." utos sakin ni Jyryll. Napanganga naman ako sa sinabi niya.

Tinignan ko ang iba pa naming kaklase at lalo sa si Kevin. Ganun din ang gusto niyang mangyari. Bakit?!

"H-ha?"

Kala ko ba totoo yung sinabi nila sakin kahapon lang sa umiiwas na raw sa gulo ang section nila— namin pala.

Tapos ngayon gusto nila kaming magharapan?!

May saltik ba sa utak ang mga to?!

"Ayaw mo?" medyo may pagkasarkastikong sabi sakin ni Jyryll kaya nagtaka talaga ako nang sobra.

Bahagya siyang ngumiti at tinignan niya si Khleo na nasa tabi ko na pala. Napatango tango naman si Khleo dahilan para mas lalo akong magtaka.

Ano bang pinag gagawa nila? Eh?

Mukha na akong ewan dito kakaisip kung ano bang pinagsasabi nila.

Tinignan ko ng may halong pagtataka si Jyryll pero sumulyap lang siya sandali sakin at hinarap na ang mga impakto. Este mga kaklase namin.

Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)                Where stories live. Discover now