CHAPTER 5

7 1 0
                                    

RUN FOR FUN

Kusang kumulo ang dugo sa buo ko ng katawan pero may pumatak namang luha sa mga mata ko nang maalala ko ang lahat nang yun.

Hindi naman sa OA ako, pero mapapatawad ko naman siya paghumingi lang talaga siya ng tawad. Pero anong nangyari?!

Pagkatapos nang ginawa niya sakin bigla nalang siyang nawala na parang bula at hindi na nagparamdam. Habang ako naman, nakulong sa ospital nang  halos isang taon dahil sa balikat ko. Nang makauwi na kami sa bahay nina tita dun ko lang nalaman na na-comatose pala ako ng 4 na buwan at muntik na akong mabawian ng buhay kung hindi nila nabuksan ang kuwarto ko nang maaga.

Isang linggo rin akong wala sa sarili nun nang nalaman ko iyon.

Hindi ako makapaniwala...

At mas lalong hindi ako makapaniwala na ang lalaking muntik na akong mapatay at nawala nalang na parang bula ay nasa harapan ko na.

Tsk!

"L-lyza, diyan kalang sa likuran ko" pabulong na sabi ni Kevin.

Hindi ko talaga alam kung gagawin ko ba yun o hindi ang sinabi niya. Ayaw ko na kasing dagdagan na naman ang problema ni tita sakin pero may side parin sakin na gusto siyang labanan.

Gustong gusto na talagang maghiganti ng puso ko pero pinipigilan lang ito ng isipan ko.

Ano ba talaga?!

Tinignan ko si Drake na walang reaksyon pero halatang halata sa mukha niya na nagulat talaga siya.

Inilibot ko agad ang tingin ko sa buong room.

Kaylangan naming makatakas dito. Hindi na ako pwedeng masali o makipag away dahil baka magdragon mode si tita pagnalaman niyang nakipag away na naman ako.

Ayun!

Hindi pala lock ang pintuan sa exit namin.

Tsk. Sana naman pala nagpaiwan lang ako kanina hindi naman pala lock ang kabilang pinto.

"Tatakas tayo Kevin..." saad ko sa mahinang boses.

Tinignan ako ni Kevin na may halong pagtataka sa mukha.

"Mamaya na ako magpapaliwanag..." saad ko at hinawakan ang kamay niya at kumaripas ako nang takbo papunta sa exit door.

Wala namang ibang nagawa si Kevin kundi tumakbo nalang din.

Pagdating ko sa pinto mabilis ko itong ini-slide para bumukas at makatakas na talaga kami sa mga buwesit.

"HOY BUMALIK KAYO DITO!" sigaw nang kung sino sa loob ng room.

Nagtataka talaga ako sa mga ganitong sitwasyon, bakit pa niya kami pinapabalik kahit alam naman niyang ayaw namin...

Tsk! Nagsasayang lang talaga siya ng laway.

Nilingon ko ang likuran namin nang makababa na kami sa 9th floor.

Nakasunod na sila!

Kainis nga lang dahil nasa 9th floor kami ngayon at ang layo layo nang tatakbuhin namin para makatakas sa mga kumang na to.

Bahagya akong napangiti.

Nakakamiss talaga ang ganitong eksena... Yung tumatakbo nalang ako sa kaaway ko dahil ayaw kong pumatol baka si tita na talaga ang tatapos ng buhay ko.HAHA

Hayss.

"Bakit tayo tumakas?" tanong sakin ni Kevin nang makarating na kami sa 4th floor.

HAA. Malapit na!

"Baka mamatay ako..."

'sa kamay ni tita'

" Tss I don't believe you..." sabi niya sakin na nagpakunot ng noo ko.

Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)                Where stories live. Discover now