1 SHOT!
Maaga akong nagising ngayong araw. Ewan rin kong anong nalamon ko kagabi dahil ang pangit pangit ng mood ko ngayon.
Tamang simangot lang habang kusot kusot parin ang mga mata.
Sheesh! Pangit ng mood ko ah!
May grumpy potion kayang pinainom si tita sakinn kagabi?
Hays...
Kinuha ko na ang tuwalya ko at dumiretso na sa banyo para maligo. Pagpasok ko bumungad agad sakin ang malaki kong salamin sa banyo. Pinagmasdan ko muna ang sarili ko, lalo na ang mukha ko...
Nasabi narin sakin ni tita na hindi raw ako pure na Pilipina.
Kahit si tita at si mama raw ay half Brazilian and Filipina.
On the other hand, one forth Filipina, one fourth Brazilian, one fourth Korean, and one fourth German ako.
Waw naman!
Half Korean and German raw kasi si papa ko. Pero kahit isang beses hindi ko parin siya nakita, pati narin si mama.
Eh obvious din naman sa mukha ko palang.
May pagka light blue ang kulay ng mga mata ko, wavy dark brown din ang buhok ko na hanggang siko ang haba, matangos ang ilong, at lastly ang skin color ko. Maputi talaga ako, yung tipong naubusan na ako nang dugo kaya ganun ako kaputi.
Binu-bully pa nga ako nung elemtary palamang ako dahil mukha raw akong white lady. Kaya ayun, binugbog ko sila isa isa at sa guidance office ang diretso ko. Pagkatapos nga nung pagyayaring yun ay pinalipat na ako agad ni tita sa ibang school.
Pero panibagong kaaway na naman pala yun.
Hay jusko!
Kaya ngayon kapit na talaga ako sa blazer ko at yung mahaba kong medyas para lang hindi mahalata ang skin color ko. Nilalagyan ko rin ng contact lens ang mga mata ko para hindi nila mapansin na kakaiba ang kulay nito, ayaw ko kasi ang pinaguusapan. Naglalagay narin ako ng make up, medyo pinapabrown ko yung kulay ko para hindi magmukhang puting pader tong mukha ko.
Wala namang nakapansin sa lahat nang yun, pero nakakapagod lang talaga siya! Araw-araw ko nang ginagawa yun simula pa nung first year High school pa ako. Jusko!
Dibale na nga!
Ang sarap nang maligo!
Dumiretso na agad ako para makaligo at di nagtagal ay natapos nadin ako. Sinuot ko na ang uniform ko as usual.
Pumunta na agad ako sa make up table ko para mag magic—charot!
Swap...tap...snappl...wapak.... Make up is done!! Galing ko ah!
HAHAHA
Ang last nalang ay ang contact lens. Dark brown ang sinusuot kong contacts para makisabay narin sa mga kulay ng iba... Mahirap na baka mapagkamalan akong papansin.
Pagkatapos maglagay ay lumabas nako sa kuwarto ko dala dala ang bag ko at bumaba na sa hagdan para mag almusal.
Hindi pa gising sina tita pero gising naman ang mga maid kaya nakakain ako agad. Pagkatapos kumain ay nagsipilyo nako at nagpaalam bago umalis. Pero tulog pa rin sina tita kaya sa pinagkatiwalaang maid nalang ako nagpaalam.
Ngayon nakatulala na naman ako sa kawalan habang nag aantay ng bus dito sa bus stop.
Di rin mawala sa isip ko ang mapatanong...
Mayaman naman sina tita ah, may maid, malaki ang bahay. May sariling Kompanya at malago pa ito. May kaya naman sina tita pero bat hindi nalang nila ako ihahatid sa school o di na— AY MARIYOSEP!
YOU ARE READING
Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)
Teen FictionPinagmasdan niya ang kabuuan ng school sa labas ng campus at bahagyang napangiti. "Iwas na dapat sa gulo ah" bulong niya sa sarili bago humakbang sa bago niyang school na papasukan. Pero kaya ba talaga niyang maka iwas sa gulo kapag nalaman niyang a...