CHAPTER 11

2 1 0
                                    

PHOBIA

Bagong araw bagong tanong na naman.

Araw araw nalang dumadami ang mga tanong sa isip ko. Tanong dito tanong doon, pero hindi naman nasasagot.

Kagaya lang ng kung sino talaga ang mga magulang ko?

Kasalukuyan akong nakatitig ngayon sa isang bracelet na matagal ko nang sinusuot. Ang sabi sakin ni tita na bigay raw ito ng sarili kong mga magulang at sabi pa nga niya na hindi na raw mawala ang ngiti ko buhat nong binigay ng magulang ko ang bracelet nato. Pero kahit kailan hindi ko naman sila nakita at hindi ko rin sila kilala.

Ang tanging ala ala ko lang ay ang nagising ako sa isa sa mga kwarto ng ospital at pilit akong tinatanong ng mga nurse kung ano ba raw ang pangalan ko at yung edad ko.

Pero ang pinagtataka ko lang ay ang edad ko lang ang tanging alam ko. May pangalan naman akong natatandaan pero sa tingin ko ay hindi sakin yun.

Liza at Chion

Medyo malapit nga naman sa pangalan ko na Lyza Xion. Pero kahit anong alala ko talaga ay hindi ko matandaan ang mga mukha nila at kung sino sila.

Sinuot ko nalang ang bracelet ko at akma sanang tatayo para pumunta sa cr nang biglang dumilim ang paningin ko.

May kung sino kasing tumakip sa mga  mata ko at sobrang higpit nito na halos tumabi na ang mga mata ko sa utak ko.

Sinubokan kung magpumiglas pero masyadong malakas ang humahawak sakin.

May nakahawak sa dalawa kong braso at nilagay ito sa likod ko. Gusto kong magtanong kung sino ang may gawa nito pero sino pa ba naman?

Walang iba kundi ang anak ng hari ng mga PISTI! May kinalaman talaga si Khleo dito!

"Wag ka ngang magpumiglas maglakad kalang." may kung sinong nagsabi sa likod ko.

Wala naman akong ubang nagawa kundi ang sundin ito hanggan sa may hagdan. Hindi ko man nakikita ang dinadaanan namin pero alam kong hagdan ito papunta sa rooftop. 

Dahan dahan akong humakbang dahil hindi parin nila tinatanggal ang piring.

"Bilisan mo!" sabi naman nang kung sino sa gilid ko.

"Hindi pa ba obvious? May nilagay kayong piring sakin kaya paano ko makikita ang dinadaanan ko at para makalakad ng maayos?" sarkastiko kong tanong.

Tsk! Nag iisip pa ba tong mga taong to?

Hindi nagtagal ay sa tingin ko ay naabot na namin ang rooftop dahil diretso na ang lakad namin at wala ng hagdan. May narinig akong pagbukas ng pinto ay pagkatapos nun ay agad na kumapit sa balat ko ang init ng araw.

Hindi ko maiwasang kabahan baka kung ano ang gagawin nila sakin dito. 

Nakarinig ako ng maraming footsteps kaya mas lalo akong kinabahan. Nang medyo tumahimik na ang paligid ay may narinig akong naglakad papunta sakin at naramdaman ko agad ang pagluwag ng piring. Naramdaman ko din na bumitaw na ang humawak sa mga braso ko kanina.

Nang tuluyan ng matanggal ay agad akong napakurapkurap at dahan dahang nag adjust ang paningin ko.

Putik malapit tuloy ang mabulag dun ah!

Nilibot ko ang paningin ko at dun ko lang napagtanto na halos buong section Z pala ang nan dito.

Mas dumoble naman ang kaba ko nang dahan dahang naglakad si Jyryll at Gerald sa harap ko. May hawak na kutsilyo si Gerald habang si Jyryll naman ay naka poker face lang.

Nasa likod din pala nila si Khleo na naka smirk.

Ano na naman bang balak nila?!

Gusto kong matakot pero nanaig kasi ang inis sakin nung maalala ko kanina  na hinoldap nila ako!

Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)                Where stories live. Discover now