ONLY GIRL?
Ano na namang kalokohan to?!
Seryoso ba tong section na to?
Kasalukoyan akong nakatayo ngayon sa labas ng room at kinakausap ng teacher na nakita kong nasaharapan ng klase kanina.
Mrs. Angeline raw ang pangalan niya.
"Ready kana ba ate?" tanong nito sakin. Sa totoo lang nakalimutan ko talaga sandali ang takot dahil sa lambing ng boses ni ma'am Angeline plus ang ganda din ni ma'am.
May pagkamistiza, matangos ang ilong at long and curly ang buhok. Ang perfect ni ma'am ohh!
"Y-yes po ma'am" sagot ko at nagtipid na ngiti.
HA. KAYA MOTO LYZA!
Una munang pumasok si ma'am at pinatahimik ang buong klase. Nang tuloyan na silang nanahimik lahat ay nagsimula nang magsalita si ma'am.
Go Lyza!!
"Nandito na nga pala ang bago niyong makakasama this whole school year. At sana naman ay repetohin niyo siya." tumingin si ma'am sa dereksyon ko at ngumiti. Ang weird na ngayon ng ngiti ni ma'am ah.
"Pleade introduce your self" pagpatuloy nito.
Ito na!
Pagpasok at pagpasok ko palang ramdam ko nang hindi talaga madaling makisama at maka iwas sa gulo dito. Pano ba naman kasi wala talagang babae kahit isa! Ano ba kasing klasing section to, at tinawag pang 'Z'?
Nang tuluyang na nga akong makapasok sa room ay dinig na dinig ko ang mga hiyawan at paninitsit ng magiging kaklase ko this s.y..
Yung iba panay titig na titig sa mukha ko pero ying iba... Sa ano ko— alam niyo na... yung hinaharap ko!
Tang'na baka masapak ko kayong lahat! MGA MANYAK!
"GANDA NG CAKE NA PINAPASOK MO PO MA'AM!" sigaw nung isa dahilan para mag palakpakan pa ang mga langya at nagsigawan pa ng mas malakas.
Pisti!!!!! Lupa bumukas kana't lamunin ako! Huhuhuhu kahiyaaa!
"Everyone QUIET!" mala dragong sigaw ni ma'am.
Wow! Tapang pala ni ma'am, kaya pala ang tahimik nila kanina! Thumb's up para kay ma'am.
Agad naman silang tumahimik at diretso nang tumingin sakin.
"G-good day everyone i'm Lyza Xion Katrezze Xrofron, call me Lysa for short. And i'm from Dela Cruz National High School" tipid akong ngumiti at taas noong tumingin sa harapan ko.
In fairness nga naman dahil nakuha rin nilang pumalak pak sakin.
Kaso nga lang...
'Chicks pre oh!'
'Hi, lunch tayo mamaya sexy!'
'witwiw'
Bwesit!
"Pumili kana ng mauupuan mo..." bulong sakin ni ma'am. Ang ingay na naman kasi ng mga kaklase ko kaya binulong nalang yun ni ma'am sakin.
Inilibot ko naman ang paningin ko para mag hanap ng bakanteng upuan. Pero lahat nalang ng upuan sa likod at sa gilid occupied na. Hayss!
Wala na akong choice kundi umupo sa pinaka harapan, sa gitna ang first row. Jusme!
Inilibot ko naman ulit ang mga mata ko bago umupo at may napansin akong isang lalaki.
Pamilyar talaga siya sakin...
Teka teka teka! S-siya yun! Yung kanina na sinita ko! HALA! PATAY NA TAYO!
YOU ARE READING
Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)
Teen FictionPinagmasdan niya ang kabuuan ng school sa labas ng campus at bahagyang napangiti. "Iwas na dapat sa gulo ah" bulong niya sa sarili bago humakbang sa bago niyang school na papasukan. Pero kaya ba talaga niyang maka iwas sa gulo kapag nalaman niyang a...