RULE NUMBER 1
'Bat hindi pa siya inilipat sa ibang section?'
' Baka nagkamali lang nang section na napasukan yan?'
'Maybe she's also a bitch'
'Narinig niyo na yung balita kay Kayah'
Kagaya nang unang araw ko dito, may naririnig naman akong bulongan .
Kasalukoyan na akong umaakyat sa hagdan papunta sa room ko.
Pagkapasok ko, naramdaman ko agad ang mabigat na awra sa loob nang room.
Nakasimangot akong umupo sa upuan at isinubsob na agad ang mukha sa desk ko.
"Hoy!"
May biglang tumawag sakin sa likuran dahilan para iangat ko ang ulo ko at tignan kung sino ang tumatawag.
Si ano pala... Umm.
Ano nga pangalan niya?Khylo... Klyo... Klayo... Khleo!
Khleo pala. Khleo Vrixx Montrevor.
Waw! Sosyal ng name ah. Nakakabuwesit naman ang pagmumukha.
Yung lalaking nagbwedit sakin sa first day ko. Yung sinita ko sa pila.
Tsk! Nainis nalang ako bigla.
Tinitigan ko nang maayos ang mukha niya—gwapo niyang mukha to be specific.
Kahit nakakabuwesit din ang lalaking to masasabi ko parin gwapo talaga siya. Malaki din ang katawan niya at matangkad siyempre!
Pfft! Ang harot ko na ah! HAHAHA
"Anong nakakawa?!" pasigaw na tanong ni Khleo dahilan para bumalik ako sa reyalidad.
Patay nagalit!
Di ko kasi namalayang tumawa na pala ako. Kainis ka naman Lyza
"W-wala" naiiling kong sabi. Medyo natatakot na rin ako dahil seryosong seryoso na talaga ang mukha niya.
Bigla nalang niyang sinipa ang desk na nasa harap niya sabay tayo.
Nasa likuran ko siya ngayon kaya para na talaga akong nabalian ng leeg kakatotok sa susunod niyang gagawin.
Pikon naman pala to!
Nakapoker face siyang naglalakad papunta sakin at sinisipa rin niya ang mga upuan na humaharang sa dadaanan niya.
Hala! TULONG!!
Huminto siya sa harapan ko at nagcross arms pa ang loko.
Bigla nalang siyang nagsmirk dahilan para magtaka ako bigla.
May gagawin nanamang kalokohan ang mokong to!
" Since you're new here. We want to welcome you with a gift..." sabi niya. May napansin ako bigla na may hinahawakan siya at tinatago niya lang ito sa likuran niya.
Tsk. Hindi ako naniniwala.
"And also, we want you to be aware of our number one rule..." pagkasabi at pagkasabi niya nun ay may bigla nalang siyang likidong tinapon sa mukha ko.
Ay salbahis tong lalaking to ah!
Bigla nalang akong natigilan. Hindi dahil sa ginawa niya, kundi sa amoy ng itinapon niya sakin...
***SNIFF SNIFF****
"M-make up remover?" mahina kong sabi sa sarili ko. Pero sa tingin ko narinig niya yun.
YOU ARE READING
Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)
Teen FictionPinagmasdan niya ang kabuuan ng school sa labas ng campus at bahagyang napangiti. "Iwas na dapat sa gulo ah" bulong niya sa sarili bago humakbang sa bago niyang school na papasukan. Pero kaya ba talaga niyang maka iwas sa gulo kapag nalaman niyang a...