CHAPTER 13

5 1 0
                                    

KAYA PA O KAYA PALA

It's SATURDAY!

And it means its my reading day!

Since isa akong bookworm nahihirapan talaga akong balansehin ang oras ko sa pagbabasa at pag aaral.

Kaya gumawa nalang akong nga schedule kung saan wala akong ibang gagawin kundi ang magbasa.

Bookworm nga bad b*tch naman—di joke HAHA!

Isang araw narin ang lumipas simula nung nagyari ang insedente sa gym.

Okay lang naman sakin yun dahil sanay naman akong ganunin pero pilit naman akong binabagabag ng isang tanong sa isip ko.

Bakit ba nila ginagawa yun sakin?

Mapayapa akong nagbabasa ngayon sa libro kong ilang pages nalang ay matatapos ko na.

Ilang minuto ang lumipas ay natanaw ko na ang salitang WAKAS sa librong binabasa ko at ito ang hudyat na tapos na ang istorya. Niligpit ko na ang libro at nilagay ito sa book shelf ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti at kiligin. Tsk!

Teen fiction kasi ang binasa ko kanina at isa ito sa mga hilig kong basahin.

Bukod kasi sa pagiging basagulera ay may hilig din ako sa pagbabasa.

2 pm na pala ng hindi ko namamalayan at eksakto namang nakaramdam na ako ng gutom.

Tumayo na ako at naglakad na palabas ng kwarto. Hahalungkatin na naman nating ang kusina!

Mabilis akong bumaba sa hagdan at diretsong pumunta sa kusina. Una kong binuksan ang ref.

Napasimangot nalang ako nang makitang wala na palang laman ang target kong ice cream.

Malinis narin ang ref. Wala na ang mga gallon ng gatas na binabalik ko lang sa ref pagwala ng laman.HAHA!

Sunod ko namang tinignan ang mga cabinet at umaasang may makikita ako kahit na cereal lang. Pero wala.

Kaya wala na akong jbang choice kundi ang bumili nalang sa labas.

Bumalik na ako sa kwarto at nagsuot ng white short na hanggang ibabaw ng tuhod ang haba at sinuot ko narin at hoddie kong white. Idagdag pa yung balat ko na parang naubusan na ng dugo sa sobrang puti.

Nice. White lady check!

Kinuha ko na agad ang wallet at cellphone ko sabay tingin sa sirili ko sa salamin.

Nang makuntento na ay lumabas na ako sa kwarto ko at bumaba.

"Manag Jell bibili lang po ako!" pagpaalam ko sa isa sa mga maid dito sa bahay.

Wala kasi sina tita at tito ngayon dito dahil sa business meeting raw at bukas pa sila uuwi.

Hindi ko na inantay ang sagot niya dahil sigurado naman akong hindi niya ako papayagang umalis ng bahay dahil grounded ako.

Hindi ako pinapayagan gumala ni tita na lumabas ng bahay ngayon dahil parusa narin daw sakin niya ito sakin tungkol nung friday.

Ang sabi ko kasing rason sa kanila ay nadulay lang ako dahil hinahabol ko ang kaaway ko.

Akala ko ay hindi magrereact si tita nun pero bigla nalang iminit ang ulo niya sa di malamang dahilan at hindi na ako pinayagang lumabas ng bahay hanggang bukas.

And since isa akong mabait na bata ay hindi ko ito susundin at lalabas parin ako ng bahay para bumili ng isasaksak sa sikmura ko.

Wag tularan.

Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)                Where stories live. Discover now