CHAPTER 12

6 1 0
                                    

Mr. PRINCE

LYZA'S POV:

Ilang araw narin ang lumipas matapos nung nang yari sakin sa rooftop at hanggang ngayon ay hindi ko parin maintindihan kung bakit.

Bakit takot ako sa sarili kong dugo?

"Galing mo jan pre!" isang malakas na boses ang umalingawngaw sa loob ng room namin at sinundan ito ng tawanan ng iba ko pang kaklase.

Second from the last perion na namin ngayon pero hindi naman pumasok ang teacher namin kaya ayun daig pa ng isang speaker ang ingay sa loob ng room namin.

Nilingon ko sila at naglalaro lang pala  sila ng billiards sa table gamit ang mga bolang papel at yung stick ba yun? Yung ginagamit na parang stich ay ang walis tambo.

Medyo natawa nga ako dun pero ang pinagtataka ko lang ay iniipon nila ang mga bolang papel na nashoot na nila kono. At tinatapon sa isang nakabukas na locker sa pinakahuli at gumagawa naman sila ng bago.

Taka kong pinagmasdan ang locker na puno na ngayon ng mga bolang papel.

Locker?

Ay pakshit! Locker ko yun ah?!

Agad akong bumalikwas sa upuan ko nagnagtungo sa locker ko.

"Hoy locker ko to ah!" inis kong sabi pero parang wala lang silang narinig.

May nakashoot na naman ng bolang papel ay kinuha ito ng morenong lalaki na sa tingin ko ay Christian ang pangalan at tinapon niya yung bolang papel sa locker ko.

Kawawa yung locker ko :<

"Bat niya g—"

"Basurahan yan Lyza" pagputol ni Jyryll sakin. 

Agad na kumunot ang noo ko.

Ang laki laki ng basurahan sa lang gilid ng mga locker namin tapos ito ang ginamit?!

Wala ba silang konsensya?

"Eh? Ang laki laki ng basurahan na yan tapos dito niyo sa locker ko tinatapon?! Ang laki ng pangalan ko jan oh?!" inis kong sabi. Bakit ganito sila? Mabait naman ako sa kanila ah pero bakit ganito sila sakin?

"Exactly..."

Isang malamig na boses ang sumulpot galing kay Khleo na halos bumiak ng puso ko.

Sobra naman ata yun?!

Nakarinig naman ako ng mahinang tawa sa gilid ko kaya hindi ko maiwasang mapayuko.

Wala man lang bang tutlong sakin ngayon?

"M-may basurahan naman jan oh!" nauutal kong sabi sabay turo sa basurahan.

"Come on be matured woman. The world isn't a fairytale. Walang prinsepe dito na handa kang paglingkuran at ipaglaban kung kailan mo gusto. At isa pa ang kailangan mong tandaan... Wala kang kahit isang kaibigan dito kaya wag kang magsalita na parang kilala mo kami!"

Natigilan ako. Yumuko ako at pinipigilan ang mga luha ko. Truth hurts.

Oo nga pala. Ba't ako mag e-expect na natratuhin nila ako ng maayos kung hindi ko naman sila kilala. Pero sila? Kilala ba nila ako para tratuhin ako ng ganito?! Shit! Hindi naman ata patas to ah! Tao parin ako lahit paano!

"Uy boss masyado kang raw magaling kaya napaluha siya! HAHAHA"

Hindi ko na kinaya pa. Agad akong umalis sa room ko at pumunta sa cr sa 8th floor.

Nang makapasok ako ay wala namang kahit sinong tao kaya binuhos ko na ang lahat ng luha na kanina pa nag uunahan sa pagtulo.

BUWESIT! BUWESIT TALAGA!!!

Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)                Where stories live. Discover now