Section A
Bitbit ang bag ay lakad lang ako ng lakad at di alam kung saan patungo hanggang sa nakarating ako sa isang park na nasa tabi lang ng nag-aasul na dagat.
Umupo ako sa mga upuan doon at nilapag ang bag ko sa mesa. Maganda ang park nato. Mahangin, malinis at maganda ang view sa dagat kaya hindi na katakataka na marami ang tao ngayo dito kahit tanghaling tapat. Hindi naman mainit dahil may mga puno naman dito at sa ilalim nun doon mo makikita ang mga upuan.
Nilabas ko na mula sa bag ang dalawang sandwich at isang fruit shake.
Dalawa nalang ang binili kung sandwich dahil di kasya sa tyan ko yung isa. Malaki siguro ang tiyan ni Dora ano?
Habang nagpapakabusok ako ay di ko maiwasang marinig ang usapan ng limang magbabarkadang nasa kabilang table.
Hindi naman sa sinasadya ko talaga pero sadyang malakas talaga ang mga boses nila kaya ayun. Rinig na rinig ko bawat detalye ng mga pinag uusapan nila. Napansin ko ring magkapareho lang pala kami ng uniform kaya obvious talagang taga DNHS rin ito gaya ko.
"Yung about sa Section Z? Narinig niyo na yun?"tanong ng babaeng singkit ang mata pero mistiza naman.
Tinuon ko ang atensyon ko sa pag-uusapan nila.
Tsk! Certified marites na Dora!
Gusto ko sana silang balewalain. Pero di kaya ih! Section ko yun baka si Dora na naman ang pag uusapan nila. Tsk! Mahirap na!
"Oo te! Kawawa nga raw yung si ate dinala sa hospital dahil sa nangyari sa kanya sa gym"
Base sa mga mukha nila ay halatang mas bata pa ito sakin at mga nasa lower year pa ito.
"Bakit naman kaya nila idadamay si ate ganda eh kasalanan naman yun ni Kayah"
Mas tinuon ko ang atensyon at mas nakinig ng maiigi.
"Yeah... Ayaw na yata talaga nila ng babae sa sektion nila 'no?"
"Pang ilan na nga siyang babae na napunta sa sektion na yan?.... Ay! Pag lima na siya!"
"Ayy oo nga! Mababait naman yung napunta run last year kaso hindi yata nila kinaya. Drop out agad"
"Alam niyo nanini wala ako kay ate ngayon ano? Sa tingin ko kasi hindi sjya yung babaeng basta basta lang susuko. May pagka boyish na aura rin siya. Ganon!"
"E h? Pano mo nasabi?"
"Wala halata naman. Mabait naman talaga siya pero marami lang talagang mga taong pilit na sinisiraan siya. At dahil mga ingetera sila! HAHAHA!"
Nagtaka ako. Nakikinig pa rin naman ako sa kanila pero hindi ko pinapahalata.
Ano na naman kaya ang kina iinggitan nila sakin? Bakit gusto ba nilang mapunta sa section na yun? Putik ano ba kasi!
"Grabe din si Kayah no? Ang kapal! Matapos yung ginawa niya sa buong section Z may gana pa siyang pumasok sa DNHS" biglag nagsalita ang isa sa kanila at natigilan naman sila apat.
Pati narin ako ay natigilan din.
Buong section Z?
"Anong pinagsasabi mo jan Ellys?"
"Hays grabe. 'Di niyo talaga alam no? Hina niyo!" aniya at huminga pa ng malalim bago magsalita ulit.
"Unang una hindi ako isang dakilang marites ha! Basta may nagsabi labg din sakin neto at 'di ko alam kung totoo ba talaga pero marami ring usap-usapan na totoo talaga to kaya, I guess? Totoo siguro?" panimula niya at parang nadismaya naman tong mga kaibigan niya dahil bigla nalang kumot ang noo. Pati narin ako.
YOU ARE READING
Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)
Teen FictionPinagmasdan niya ang kabuuan ng school sa labas ng campus at bahagyang napangiti. "Iwas na dapat sa gulo ah" bulong niya sa sarili bago humakbang sa bago niyang school na papasukan. Pero kaya ba talaga niyang maka iwas sa gulo kapag nalaman niyang a...