CHAPTER 9

7 1 0
                                    

SUSI

Habang tawa ng tawa tong si Kevin ay nainis naman si Lyza sa kanya kaya isang malakas na batok ang nakuha niya pero patuloy parin ito sa pagtawa na parang baliw.

We cant blame Kevin. Masiyahin talaga siyang tao.

Bigla nalang siyang tumingin sa direksyon ko at animoy may malaki akong kasalanan na ginawa para makatingin siya ng ganito ka talim sakin ngayon.

"Anong ngiti ngiti mo diyan?!" she suddenly shouted taking me back to reality. Di ko namalayan na ngumingiti na pala ako.

And why on earth am I even smiling?!

Buong buhay ko hindi ako basta basta ngumingiti sa mga babae!

Pero ano to?! Khleo?!

Nakatuon parin ang mga matalim niyang tingin sakin at ang nga nagtatakang tingin ng iba kong kaklase. Pero isang tanong lang ang nasa isip ko ngayon...

Why the h*ll is my heart beating very fast?!

••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

LYZA'S POV:

Hahakbang na sana ako papalapit kay Khleo at para narin masapak ko tong lalaking to. Pero bigla nalang pumasok yung babyloves namin sa loob ng room. Hayss!

"Section Z! Go back to your respective seats, NOW!" sigaw ni sir Morlon, Marlon Montevista. Siya ang first period teacher namin. At ngayon, sisimulan na niya ang impiyerno naming araw.

Gwapo mo naman sir eh noh?! Tagal tagal mo dumating! Nakipag away pa tuloy ako sa mga hinayupak na yun.
Malapit pa tuloy akong makalbo dahil sa sabunot ng babaeng yun sakin.

Tsk! Atleast nasuntok ko! Oks nako dun...

"Uupo kayo o ipapatapon ko yang mga upuan niyo.." mahinang usal si sir gwapo kaya kumaripas na agad ako ng takbo papunta sa upuan ko at umupo na.

Nang nagsiupuan na ang iba ko pang nga kaklase ay nagsimula na si sir sa kanyang ritual— este klase.

Sa kalagitnaan ng klase, hindi parin mawala sa isipan ko ang nangyari kakina. Lalo na nung binanggit ng mestizang babae si mama.

May kung anong ala ala kasing pumasok sa isipan ko na hindi talaga pamilyar sakin. Ang tanging ala ala ko lang kasi ay lumaki ako sa kamay nina tita at kahit ni isang beses ay hindi ko nakita ang mga magulang ko.

Pero sa ala alang pumasok sa isipan ko kanina ay sobrang linaw. Sobrang linaw na sila yung mga magulang ko pero hindi ko nmn sila kilala.

Sinubukan ko naring alalahanin sila pero pa—.

"Yes Ms. Xrofron?" isang malalim na boses ang umalingawngaw sa buong silid at pati narin sa bakante kong utak.

Agad akong tumingin sa gawi ni sir Marlon at napansing nakatingin na pala siya sakin. Pati narin pala ang iba ko pang mga kaklase ay nakatuon narin ang tingin nila sakin.

Ay patay...

"Is there any problem?" tanong ulit ni sir sakin.

Agad akong umiling bilang sagot. Pero mukhang hindi pa kumbinsido si sir dun kaya lumapad ang nakakatakot na ngiti niya sa mukha.

"Then, if wala. Solve this equation." usal ni sir at lumapit sa direksyon ko at inabot sakin ang chalk.

Panay lunok nalang ang nagawa ko habang dahan dahan akong lumapit papunta sa chalk board.

Author... Gabayan mo po ako. T_T

Tinignan ko yung chalk board para makapag isip muna ako nang mas maaga sa isasagot sana. Pero... wala namang kahit anong equation sa board ah!

Ang Reyna Ng Section Ko (On Going)                Where stories live. Discover now