CALLIE'S POV"Where's Skye? Susunduin ka daw ba niya?" tanong ni mama sa'kin habang nag aayos ako ng mga gamit.
Today's our 4th year in college. Me as an accountant, and Skye as an engineering student.
"Sabi niya papunta na daw siya eh. Malay ko ba dun kung yung papunta ba niya ay paalis na ba talaga o nasa cr pa", sagot ko kay mama. Tumawa siya at umiling iling na parang alam na alam niyang gawain 'yon ni Skye.
"Eat your breakfast muna anak habang hinihintay mo si Skye", saad nito habang hinahanda ang pagkain sa lamesa. It was my favorite of all, carbonara!
Umupo ako agad sa lamesa at nilantakan ang carbonara. Basta sa pagluluto nito, the best ang luto ni mama. Ewan ko ba kung bakit clerk ang trabaho nito at hindi chef sa isang restaurant.
Habang ngumunguya ako ay may nag doorbell na sa bahay. "Si Skye na ata ma, pabuksan po tapos pasabi wait lang mga 30 minutes ganon", tumawa siya bago pumunta sa pintuan namin.
Naamoy ko na ang pabango ni Skye bago ko pa siya lingunin, "kaya pala hindi ikaw ang nagbukas ng pinto ha, lumalamon ka na naman ng carbonara".
Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. Bastos na 'to, ang sarap sarap ng kain ko dito eh. Epal na naman.
"Iho, kumain ka na rin muna para may laman ang tyan mo bago kayo sumabak sa university", aya ni mama sa kanya.
Syempre, Skye being Skye, dire diretso siya agad sa lamesa. Kumuha na agad ng plato at tinidor sabay kain. "Patay gutom", bulong ko pero alam kong narinig naman niya.
"Ma! Alis na po kami ni Skye! Thanks sa food, love you!"
"Tita, kain po ako dito ulit bukas! Thank you so much po!"
Umalis na kami ni Skye sa bahay bago pa kami malate sa 1st day namin as a 4th year students.
Pagkasakay ni Skye sa sasakyan niya, he was about to kiss me but I stopped him. "Drive, Mr. Skye Villaflore", saad ko dito kaya napasimangot siya. "Damot naman!"
Tinawanan ko siya bago sabihin na, "kapag nalate tayo, wala kang kiss or hug for one week sige". Walang sabi sabi, pinaandar niya agad yung sasakyan. Galing talaga.
Nang makarating sa university at maipark niya ang sasakyan, ngumuso siya sa harap ko. "What?"
"Sakit mo na Ms. Callie Torres, kiss lang para sa boyfriend mo pinagdadamot mo pa. Sige ha, ganyanan ta—", before he can even finish his sentence, I gave him the kiss he wanted. A peck.
Lumawak ang ngiti nito na akala mo nanalo sa lotto. "Mauna na ako, love. Mamaya ka na kiligin parang awa, 10mins nalang malelate ka na sa class mo", nagmadali akong lumabas ng sasakyan at tumakbo na papunta sa building namin.
Bago pa ako pumasok sa elevator ng building, I saw him doing the skipping habang papunta sa building nila. Lakas ng tama nito sa'kin hays.
"Hoy babae! Baka matunaw yan si Skye", natauhan ako nang magsalita si Mau sa harap ko, my bestfriend ever since I entered college.
"Alam mo ikaw, minsan nagdududa na ako sayo eh. Pinainom mo ba ng gayuma 'yang si Skye? Aba penge ako, saan mo nakuha? Halos 2 years na kayong ganyan sa isa't-isa. Healthy relationship amp, mas healthy pa kaysa sa buhok ko teh!"
Inilingan ko siya sabay sabi na, "communication is the key to be healthy kasi teh, hindi yung tusukan jusko ka!"
Natahimik siya at tumingala, "Lord, patawarin niyo po ako kung kasalanan man yon pero diba kasi, sabi mo po, humayo kayo at magpakarami?"
BINABASA MO ANG
Nostalgic Connection
General Fiction"paano kung ikaw pa rin kahit mayroon nang siya?" - date started: May 17, 2024 - date ended: -- -- ----