CALLIE'S POV
Halos buong araw ng nasa trabaho ay lumilipad ang utak ko. Kahit na tanungin ako ng secretary ko about sa mga papers, wala teh, nasa outer space utak ko talaga. Ilang beses ko pinilit ibaling ang atensyon ko sa iba pero hindi ko mapigilang isipin ang mga sinabi sa'kin ni Maurice.
"Hoy babae, kamusta?" meron siyang hawak na mga papers na hopefully hindi para saakin.
"Please do tell me hindi pinapabigay para saakin yan" pag-iiba ko ng topic.
"Kalma, dinala ko lang dito kasi ito mga important papers na need ko daw mapirmahan. Ewan ko ba, kaya nga bar negosyo ko kasi ayoko ng may pinipirmahan", reklamo nito.
Pag-iiba ng topic, success!!
"Beh by the way, do brace yourself kasi nakita ko kanina sasakyan nung demonyo mong ex sa labas ng building", saad nito bago umupo sa harapan ko.
"Let him be. Mapapagod din yan. Niloloko lang rin naman niya sarili niya eh", saad ko habang siya ay nilalatag na ang mga papeles sa harap ko.
"Maurice, ano yan?" tanong ko ng mapansin ang ngiti niya sa labi.
"Ihhh.. tinatamad ako magbasa please read it for me", nag puppy eyes pa ito na akala mo batang nanghihingi ng candy.
"Baka nakakalimutan mong accounting firm ito at hindi law firm?"
"Minsan lang naman mag request eh...", nag pout ito habang dahan dahan binabalik sa pagkakapatong patong ang mga papel.
"Minsan daw-- pero sige na, akin na mga yan jusko", tuwang tuwa siyang nilatag ulit sa harap ko ang mga papeles.
Kung hindi ko 'to kaibigan, matagal ko na 'to pina-banned dito sa company.
Binigay ko sa kanya ang mga papel na dapat niya pirmahan at mga papel na dapat niya muna linawin sa mga empleyado niya. Ipinaliwanag ko na rin sa kanya lahat ng mga kailangan niya malaman.
"Thank you thank you talaga bestie!! The best ka talaga so much!! Dahil jan, willing ako makinig sa mga katangahan mong desisyon sa buhay", sinamaan ko siya ng tingin na iniwasan naman niya.
"Sorry, nadala lang ng damdamin hehe", inirapan ko ito.
Niligpit ko na ang mga papeles sa harap ko at akmang tatayo na para mag lunch ngunit pinigilan ako ni Mau.
"Bakit?"
"Kailan ulit kayo mag iinterview?" tanong ni Mau kaya napaisip ako. Kailan nga ba?
"Hindi ba ngayon?" tanong niya.
Ohh.. oo nga noh. Shuta kasi ng utak ko, 'di pa rin bumabalik sa katinuan.
"Kain na muna tayo please, kailangan ko ng sustansya sa katawan", dahil sa sinabi ko ay tumayo na rin si Mau para sabay kami mag lunch.
"Ma'am? Magstart na po ba interview?" bungad saakin ng secretary ko.
"Huh? Ngayon bang oras ang start?" tanong ko, naguguluhan na ako sa nangyayari ah.
"Ahm.. tinatanong po kita kanina tapos sabi niyo po around 12 noon po", nakita ko ang pagkamot sa leeg ng secretary ko.
Lutang lutang pa, Callie Torres, sige.
"Beh sabihin mo sa mga nag-aapply mag lunch muna sila, gutom pa kasi 'tong mag iinterview, baka walang matanggap na mga new employees", narinig kong bulong ni Maurice sa secretary ko na ikinatango naman nito.
"Papuntahin mo sila sa cafeteria, all free kamo, sabihan mo nalang rin financer natin para aware sila. Make sure to check the ID's before giving them the foods, baka kung sinong nilalang makapasok dito para lang sa libreng pagkain", dagdag ko sa sinabi ni Mau.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Connection
General Fiction"paano kung ikaw pa rin kahit mayroon nang siya?" - date started: May 17, 2024 - date ended: -- -- ----