CONNECTION #21

1 0 0
                                    


CALLIE'S POV

Nagising ako dahil may naamoy akong sopas na humahalimuyak sa buong bahay.

"Callie!! Finally you're awake", tiningnan ko si Mau at parang balisa ito.

"Bakit? Something happened ba while I'm asleep?" lumapit siya sa'kin bago may ibinulong.

"May mga bisita ka, nandun sa kusina", inginuso niya ang kusina kaya tumingin ako don at nakita ang tatlong bulto ng lalaki.

"Bisita ko o bisita ni mama?"

"Bisita mo teh. Okay ka na ba? Tara na sa kusina para malaman mo kung sino sino mga kupal na dumating", tumayo ito at hinila na rin ako patayo.

Sa pagkakaalam ko, wala ako masyadong kaibigan na lalaki. All I know was that, one of the guy was Skye. Likod niya palang, alam ko na.

"Anak, sakto at luto na itong sopas na niluto ko", dahil sa pagbati ni mama ay sabay sabay na lumingon ang tatlo. Skye as expected, Sam and.... who the heck--

"Steven is that you??" I was shocked. It's been years!!

"Well, walang iba kundi ako", I hugged him before he could even bluff about himself.

"Kailan ka pa bumalik? Long time no see", I said.

Umupo na ako sa dining table without minding others. I don't want to get involve with this two guys left right now.

"I've just got back here in the Philippines, I'm still thinking about if I should stay for good or nah. Pero ayun, dumiretso ako agad dito after malapag yung mga gamit ko sa condo"

"Why here? Why not go somewhere else?"

"Obviously, it's because I missed you", kinurot niya ang pisngi ko kaya hinampas ko siya. Palalakihin na naman nito cheeks ko amp.

"Hello~ excuse me, nandito rin kami", napatingin ako kay Sam na nagsalita.

"Why are you here nga pala? I didn't tell anyone na nandito ako sa bahay ah?" nakita kong tumingin siya kay Maurice. Ahh gets.

"May dala daw siyang foods for you eh, sayang naman kung hindi mo makakain diba", saad ni Maurice bago tumayo at tulungan si mama na ilagay sa dining table ang sopas.

"Whatever, nandito lang ata kayo dahil sa luto ni mama at hindi dahil saakin"

"I came here for you kasi nag aalala ako", pinasadahan ko ng tingin si Skye na nagsalita.

"Whether you're invited here or not, bawal ka dito sa bahay. Gets?"

"Callie, hayaan mo na munang kumain si Skye dito bago mo siya paalisin", saway ni mama kaya mas lalo akong sumimangot.

"So... wala na kayo?" hindi ata nag iisip itong katabi ko bago magtanong. Astig.

"Steven, out of all the questions, yan talaga?"

"Why? I'm just curious"

"Well, isn't it obvious?" tinaas niya ang dalawa niyang kamay na sign ng pagsuko. 

Nang matapos sila maghain ay kumain na ako kaagad, gutom ako please. Walang ibang tumakbo sa isip ko bukod sa mabusog ang mga bulate ko sa tiyan.

"Mau, nakabili ka ba ng gamot?" tanong ko pagkatapos kumain.

"Uhm.. si Sam yung pinabili ko hehe. Kunin mo nga pre", utos niya kay Sam na kakatapos lang din kumain.

Nagsisimula na naman kumirot yung ulo ko shuta. "Here, may isa pa akong medicol dito", I looked at Skye na inaabot saakin ang gamot. Napansin ata ng minamasahe ko ang ulo ko.

"I'm fine, thank you though", buti naman at bumalik na si Sam at inabot saakin ang kaparehong gamot na ibinibigay ni Skye kanina.

"Thank you", kinuha ko ito at ininom. Alam kong nakatingin saakin si Skye with a question mark all over his face pero hindi ko siya pinansin.

"Okay lang daw, pero yung inabot nung isa yung ininom, sensitive yarn?" sinamaan ko ng tingin si Maurice na bumubulong sa tabi ko.

"Say it again at itatakwil na kita bilang kaibigan ko", bulong ko rin sa kanya kaya nag peace sign siya while smiling widely at me.

Err-- creepy.

After eating and all ay dumiretso ako sa terrace sa second floor nang hindi nagpapaalam sa kahit na kanino. Wala rin nakapansin saakin dahil lahat sila ay tinutulungan si mama maglinis ng mga ginamit sa kusina.

"Sabi na nandito ka", akala ko walang nakapansin saakin na umalis don.

I didn't flinched or even look at him. I know his scent and his voice, kaya kahit hindi ako lumingon, alam kong si Skye ang sumunod saakin dito.

Nakita ko sa peripheral vision ko na tumabi siya saakin pero may distansyang kasya ang isang tao.

"Kamusta pakiramdam mo?"

I didn't answer him. Bahala siya jan, kahit anong itanong niya, hindi ko siya sasagutin.

"I know iniiwasan mo ako, but let me take care of you like a friend. I won't ask you for a chance basta hayaan mo akong lumapit ng lumapit sayo hanggang sa ako nalang yung mapagod"

"So mapapagod ka", napatakip ako kaagad ng bibig dahil kusang bumuka ito ng hindi ako aware.

"I don't know, kaya nga hayaan mo lang ako. I'll just be here for you, always", I scoffed.

"Whatever you say", I felt his glance at me.

"I'm sorry.." he said out of the topic.

I didn't speak, nakatingin lang ako sa nasa harap kong mga street lights na tanging nagbibigay liwanag sa daan.

"And thank you..." narinig kong bulong niya.

I know kung saan siya nagsosorry pero para saan yung thank you aber?

"Thank you for what?" I asked out of curiosity.

Tiningnan niya ako sa mata kaya ako na ang umiwas. As far as possible, iiwasan ko siya sa ayaw at sa gusto niya. I'll set boundaries, dahil kapag ibinaba ko na naman yung wall na binuild ko, makakapasok na naman siya, sila-- at panigurado may masisira na naman sila.

"Thank you for being alive after all these years. If it's not for you, I won't survive those five years of my life", lalim ata ng pinaghuhugutan nito ni pare.

"For your information, I'm not with you for the past five years. It's all on you kaya wag mo akong idamay jan", I heard him giggled.

"You silly girl", I was expecting a hand on my head kasi ganun siya kapag binabanggit niya yung words na 'yon. But when I look at his direction, kakababa lang ng kamay niya na galing sa ibabaw ng ulo ko that I didn't even felt.

Ngayon he's hindering himself to do those things.

But hey! Why I am grumpy? Wala dapat tayo pake sis. Kalma shuta.

"Wala ka man sa tabi ko for the past five years, atleast you're here.. and here.. still with me", itinuro niya ang isip at puso niya na part.

"Ewan ko sayo", I was about to walk away but he said things that stopped me.

"I survived my college years, especially my suicidal thoughts, because I know.. you want me to live my life as if it is my last--  just like your motto noong college days natin", I heard him giggle.

I don't know why but something pierce my heart.


—————

HI READERS! Ilang araw din akong hindi nakapag update dahil bored na bored ako nitong mga nakaraan to the point na walang idea na pumapasok sa isip ko. Anyways, have a nice day ahead!!

Nostalgic ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon