CONNECTION #6

1 0 0
                                    


A/N : Ang programang ito ay rated SPG. Patnubay at gabay ng magulang ang kinakailangan, para sa maseselang tema, lenggwahe, karahasan, sexual, horror o droga na hindi angkop sa mga bata.

—————

THIRD PERSON'S POV

Natapos na ang klase ni Skye. Halata sa mga mata nito ang pagod. He's tired of everything, lalong lalo na sa ama nitong nagsisimula na naman silang saktan.

"Bro— okay ka lang?" tanong ng ka-team nito sa basketball na accounting student katulad ni Callie.

"Kaya ko pa naman. Nakita mo ba si Callie?" tanong ng binata.

Napansin niyang parang may gustong sabihin ang kasama na hindi nito mailabas sa bibig niya.

"Whatever you want to say, just say it", saad ng binata. Tila maikli ang pasensya nito ngayong araw.

"Nakita ko kasi si Callie ka kanina— may kasamang lalaki, silang dalawa lang. We asked her if who's the guy kasi bago lang rin sa paningin namin. She jokingly said that it's her—", hindi na pinatapos ng binata magsalita ang kaibigan.

Nagmadali itong pumunta sa canteen para komprontahin ang kasintahan.

Pagkadating niya sa canteen, madami na ang tao sa loob. Halo halo ang juniors at seniors. Agad na hinanap ng mga mata niya ang kasintahan.

"Kuya!" tawag ng isang junior sa kanya. Hindi niya ito pinansin dahil mas focus ito sa paghahanap sa kasintahan.

"It's about Callie", saad ng babae— dahilan para lingunin niya ito.

"What about Callie?"

"We saw her kanina sa parking lot, may sinundong guy na hindi naka uniform. Noong paalis na sila sa parking lot, kitang kita namin na magkahawak kamay sila", saad ng junior.

Nagpintig ang tenga ng binata. Alam niyang hindi magagawa ni Callie na lokohin siya pero hindi niya mapigilan ang sarili na magduda.

"Go away", saad nito gamit ang seryosong tono.

Muli, nilibot niya ang paningin sa canteen. Nang makita ang nobya, nag akma siyang lalapitan ito ngunit hindi na natuloy.

May lumapit sa kanyang lalaki at they were smiling at each other.

Umupo pa ang lalaki sa kaparehong table ni Callie pagkatapos ay kitang kita ng binata na nagtatawanan sila.

Hindi na nito sila magawang sugurin dahil wala siyang enerhiya. Dali dali nalang siyang lumabas ng canteen at pumunta sa basketball court.

Hindi ito open space kaya comfortable siyang pumasok at isinara ang entrance dito. Malamig sa loob dahil nakabukas ang aircon.

Nang makita ang mga bola sa isang gilid, shinoot niya ito lahat sa ring, nagbabakasakali na kumalma siya.

Ilang beses itong hindi nagshoot kaya sumigaw ito ng pagka lakas lakas. He shouted, releasing all the pain and stress he have.

"Are you done?" napatigil lang ito ng may marinig na boses ng babae.

Lumingon ang binata sa kanya. Isang babae na matangkad at chinita. Kitang kita ang pamumula ng mga labi nito.

"Stop fantasizing me, Mr. MVP. Yes, I know you since I've watched all of your games ever since we were 1st year", saad ng babae.

Lumapit ang dalaga sa kanya at hinila ang binata sa isang bench.

"How are you with your girlfriend? The accounting student", tanong ng dalaga.

"She f*cked up", maikling saad ng binata dito.

"Ohhh... that's what the shout means. Okay, I understand"

Nostalgic ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon