CONNECTION #13

1 0 0
                                    


CALLIE'S POV

Lumipas na ang isang araw pero hindi ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Skye.

He has a son, so most probably, he also have a wife.

But wait, why do I care ba kasi? Ano ba namang utak 'to oo, 'di marunong mag mind your own business.

"Teh baka matunaw 'yang kape", sinamaan ko ng tingin si Maurice. 

"Kailan pa naging ice cream ang kape?"

"Ngayon lang, kanina ka pa kasi magsscoop tapos ibababa mo, baliw ka ba? Konti nalang dilaan mo yan", puna nito.

Kasalanan ko bang nagulat ako sa sinabi ni Skye nung nakaraan.

"Alam mo, kung si Skye pa rin nasa isip mo, malala ka na. Kung gusto mo iconfirm, pumunta ka sa office niyo kung nasaan siya tinetrain", saad ulit ni Mau na halatang alam kung anong nasa isip ko.

"Hindi kasi 'yon", tanggi ko kaya inirapan ako ni Mau. Bastos na 'to.

"Beh ilang taon na ulit tayo magkaibigan? Sa tingin mo hindi ko pa rin alam kung paano tumakbo isip mo teh?" saad nito kaya ibinaling ko nalang ulit ang atensyon ko sa kape kong malamig na.

Hindi ko rin alam kung bakit ko tinanggap sa company si Skye. Maybe because of the adrenaline rush? Ewan ko na rin talaga.

Kung tutuusin, baka nga may asawa na siya? Kasi lagi siya may dalang baunan na halata mong babae ang nagluto dahil organize ito.

Pero bakit siya nasa bar nung last time na nakita ko siya? Don't tell me tambay siya don kapag tulog na anak niya? Aba naman, magaling na ama.

"Teh ano na? Kanina pa ako nag aaya bumalik sa opisina mo pero 'di mo ako pinapansin"

Agad kong niligpit ang mga gamit ko para makabalik na sa opisina.

Nang makapasok sa loob ng building ay nakita ko agad si Skye na tinuturuan ng isa sa employee ko.

He looks so.. tired.

Is he even eating three times a day? And why do I care? Hays!

"Matunaw yan, ikaw rin"

"Oh binago nila yung ibang table?" maang maangan kong tanong.

"Teh tumigil ka, ikaw nagpabago niyan. Pumasok ka na sa office mo at mukhang may naghihintay sa loob", napatingin ako sa loob at nakita ang bulto ng isang lalaki.

"Punta na muna ako sa may bar teh, bye!" pipigilan ko pa sana si Mau pero bago pa ako makapag react ay tumakbo na siya palabas ng office. Urgent ata.

Pumasok ako sa office ko at dumiretso sa table ko.

I know it's him based on the smell of the perfume.

"Callie.." hindi ko siya pinasadahan ng tingin. Nagpanggap akong binabasa ang mga nakasulat sa papers na nasa harap ko.

"Callie please, pansinin mo naman ako", tiningnan ko siya at maayos naman ang pananamit niya.

Mukha namang matino pa rin siya, utak lang hindi.

"Oh Trevor nanjan ka pala, paano ka nakapasok dito?" 

"Hindi na mahalaga 'yon, can we talk?"

I scoffed, "mukha ba tayong hindi nag uusap ngayon?"

"Can you give me a chance? I'll be good this time. Naisip ko rin na mali ako sa lahat at tama ka, I did changed. That's why I'm here, to make it up to you and make it right", tinitigan ko siya directly into his eyes.

Nostalgic ConnectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon