CALLIE'S POV
"So you're telling me na nag iwan ng message si Skye sayo? Hindi ba naka move on ka na don?" tanong ni Mau nang ikwento ko sa kanya ang nangyari kanina.
"Oo naman. I was just.. shocked", sagot ko sa kanya.
"Shocked kasi bumalik yung feelings? Nako nako Callie Torres. Paalala ko lang sayo, may jowa ka na at dalawang taon na kayo", sermon nito sa'kin.
Kinuha ko ang baso ng alak na nasa harap ko. Nandito kami ngayon sa bar na pag mamay-ari ni Mau. Dito ako agad dumiretso pagkatapos ng trabaho.
"Anong nangyari kay Trevor?" tanong muli nito.
"Nagtatampo ata, ewan ko dun"
"Tungeks! Ang tinatanong ko ay kung ano na feelings mo ngayon kay Trevor simula nung nabasa mo yung message"
"Ohh... yun ba hehe sorry. I do love him naman--"
"Still?" tanong nito ng hindi pinatapos ang sasabihin ko.
Napaisip ako bago sumagot ng, "I guess so".
Nakita kong napa face palm si Mau sa tabi ko. "Alam mo ikaw babae ka, itigil mo yan. Kung wala ka na nararamdaman sa tao, itigil mo na. Kung sa tingin mo mahal mo pa rin yung isa, heal yourself. Baka mamaya, hindi mo namamalayan na may nasasaktan ka na pala, ikaw rin."
Ininom ko ang alak na nasa harap ko. Hoping pagkagising ko bukas, okay na ulit lahat.
"Alam mo, kung gusto mo magparty party teh, bumaba ka nalang, okay? Baka mamaya may gusto din magrent ng VIP rooms eh, sayang benta. Anyways, maiwan na kita dito dahil baka masabunutan lang kita sa katangahan mo. Call me when you need something, sa baba lang ako"
I waved my hand and give her the assurance smile that I'll be okay.. maybe.
I know this is wrong, pakiramdam ko niloloko ko nalang si Trevor. Para ngang ayaw ko na muna siyang makita hangga't 'di ako okay eh.
Minutes passed, ilang bote na ang naubos ko and I feel so tipsy.
"Girl, nasa baba si Trevor, hinahanap ka-- oh no, inubos mo lahat 'to?? Girl, sana aware kang hindi ganun kataas alcohol tolerance mo?"
Mau entered the VIP room. Niligpit niya ang mga bote na nagkalat sa sahig, upuan at lamesa. Habang ako naman ay nakatingin lang sa ginagawa niya habang nakahiga na.
"Tama na pag inom ha. Tara na, ihahatid na kita papunta kay Trevor", naramdaman ko ang kamay ni Mau sa kanang kamay ko. She wrapped my arms around her shoulder so she can stand me up.
"I can walk. Mag cr na muna ako", saad ko dito nang makatayo ako.
I can honestly walk, not properly but I can walk hehe. I'm a strong independent woman with a big katangahan.
Nang makarating ako sa restroom ay may narinig akong nagmemake out. "Please lower your volume po!! I'll just do my business and get out after!"
It's funny how I'm always like this when I'm drunk. Kaya kapag kasama ko si Mau, she prefers to stay on my house or her house than going on public places.
After doing my own business, agad agad akong lumabas ng CR.
"Oh god! My head's spinning.. I'm so dead.."
___________
THIRD PERSON'S POV
Nang pabalik na ang dalaga sa room kung nasaan si Mau ay sumalubong sa kanya ang isang matangkad na lalaki. She was about to turn right, not knowing that the guy was on the right side.
"Oh shit! Sorry, my head's really not that good right now", paumanhin agad ni Callie nang mabangga ang lalaki.
The guy didn't speak a single word. He's just looking at Callie.
"Wait.. you smell like him. Do you know Skye? That's my ex boyfriend and I think, also my greatest love", saad ni Callie without thinking what she's saying.
"Is that why you're drunk? Because of him?" the guy asked her.
"Galing mo ah! You sounded like him too. Can you, like, bring me to VIP 1? My friend was there and I can't go by myself. Ayaw na kasi makisama ng paa ko, but if you have something to do, it's okay lang naman kuya", she said without looking at the guy's face.
"I insist", naglakad na sila pareho papunta sa VIP 1. Akay akay ng binata ang dalaga.
Nang makarating sila sa loob ay wala na dun si Mau. "Baka may inasikaso lang yung friend ko, siya kasi may ari nitong bar. Shush ka lang ha, ayaw niya kasi pinagkakalat yun", saad ni Callie with the hand gestures.
The guy smiled. He finds her cute when drunk.
Nang maiupo na ng binata si Callie ay umupo rin siya sa tabi nito. "I'll join you here hangga't wala pa yung kaibigan mo, okay?" mahina at malumanay nitong tanong.
"Sure! It's totally fine with me".
Nakapikit si Callie habang nakaupo. "Pwede ba kita sabihan ng sikreto?" tanong ni Callie sa binata habang nakapikit pa rin.
"Sure, no problem", saad ng binata. Napahinga ng malalim si Callie bago magsalita.
"May ex kasi ako, pangalanan nating si bogart", before she can even finish her story ay narinig niyang tumawa ang katabi nito. "Tawa ka pre pero dapat mahina lang. Iniistorbo mo moment ko eh".
"Okay okay sorry, go on", pigil tawang saad nito.
"So ayon, long story short nalang, my ex left me a message that he wrote 5 years from now. Ewan ko, that message made me think things I should not", seryosong kwento ni Callie.
"Things like?" tanong ng binata.
"Tings like comparing, like what-ifs, like this and that. Nakakalito na. I know I've already moved on but I can't stop comparing my current boyfriend to him. Because he, my ex, will always be the best man for me. If I'm busy, he'll understand, but my boyfriend? Nah-ah. Nagtatampo nga yun sa'kin ngayon kasi wala na daw kami quality time together knowing na halos araw araw naman kami nagkikita para sabay kumain o umuwi o pumasok. Like, hindi pa ba yun quality time for him? Ano gusto niya? Manood kami ng sine? Eh shuta wala akong time para sa mga ganon dahil madami ako hinahandle. Kainis!"
While Callie was speaking, the guy was just looking at him with the longing eyes.
"Your ex, do you still love him?"
Natahimik sila pareho ng ilang segundo bago ito sagutin ng dalaga.
"Dati kaya ko sagutin ng 'oo naman, naka move on na ako sa lokong yun eh', pero ngayon, I don't know. I don't know at all", sagot ni Callie.
Tila hindi na napansin ng dalaga ang pagtulo ng luha niya. Napansin ito ng binata kaya inabutan niya ito ng panyo.
"Everything's going to be okay, Callie ko."
Mabilis pa sa alas kwatrong lumingon si Callie sa katabi.
Parang nawala ang alcohol sa katawan nito sa nakita.
"S-skye?"
—————
HI READERS! Wala po akong kinalaman sa mga nasulat ko ngayong chapter hehe. Malay niyo guni guni lang pala kasi panay siya Skye eme.
BINABASA MO ANG
Nostalgic Connection
Ficción General"paano kung ikaw pa rin kahit mayroon nang siya?" - date started: May 17, 2024 - date ended: -- -- ----